• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BABAE, TINARAKAN NG PALABOY

SUGATAN  ang isang 33-anyos na babae matapos na saksakin ng isang babaeng palaboy na kanyang nakaalitan sa harap ng LA Cafe sa may M.H Del Pilar Street, corner Salas Street, Ermita, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police Disteict (MPD)-Bocobo Police Community Precint ,ang biktima ay nakilalang si Annie Marcus,33  ng 2341-B, Dama De Noche Street, Arellano, Malate, Maynila.

Kasalukuyan ginagamot sa Ospital ng Maynilabang biktima dahil sa tama ng saksak sa likurang bahahi ng kaliwang  balikat.

Naganap umano ang insidente dakong alas 8 ng gabi matapos na magkasagutan ang dalawa sa di malamang dahilan.

Nakilala lamang ang suspek sa alyas na Marilou,palaboy sa  M.H Del Pilar Street, Ermita, Maynila na makikilala kapag nalitang muli ng biktima. (Gene Adsuara)

Other News
  • MMDA: Expanded number coding scheme hindi pa ipatutupad

    ANG Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay hindi pa magpapatupad ng kanilang expanded number coding scheme kahit na ang National Capital Region (NCR) ay nasa Alert Level 1 na.     Ayon sa MMDA na kanilang naobserbahan at kanilang naitala na hindi pa rin gaanong madami ang mga sasakyan na dumadaan at gumagamit ng EDSA. […]

  • Tourist arrival target ng bansa nalagpasan na – DOT

    IPINAGMALAKI ng Department of Tourism na nalagpasan na nila ang kanilang year-end target na tourist arrvivals.     Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, na mayroon ng 5.070 milyon ang naitalang international visitors na malinaw na nalagpasan ang 4.8-M na target ngayong taon.     Sa nasabing bilang ay nagdala ito ng P439.5 bilyon na […]

  • Football star Cristiano Ronaldo may mahigit 1-B followers na

    PANIBAGONG record na naman ang naitala ng football star na si Cristiano Ronaldo.     Umabot na kasi sa kabuuang isang bilyon ang kaniyang followers sa kaniyang iba’t ibang social media accounts.     Ang nasabing bilang ay mula sa lahat ng kaniyang social media accounts.     Itinuturing na siya lamang ang unang katao […]