BABAENG CHINESE NATIONAL ARESTADO SA P27.2M HALAGA NG SHABU
- Published on June 25, 2020
- by @peoplesbalita
NASAMSAM ng mga awtoridad ang nasa P27.2 milyon halaga ng shabu sa isang hinihinalang big-time drug personality na babaeng Chinese national matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Tuan Xi Yao alyas “Wendy/Chekwa”, 38, Chinese national, may-asawa at walang trabaho.
Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng PDEA RO-NCR Eastern District Office ang PDEG SOU4 at District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng NPD sa koordinasyon sa Malabon Police sa ilalim ng pamumuno ni Col. Jessie Tamayao ng buy-bust operation sa No. 13, Road 25, Brgy. Dampalit, Malabon city.
Kaagad inaresto ang suspek matapos bentahan ng isang pack ng shabu ang isa sa mga operatiba na nagpanggap na poseur-buyer.
Nakumpiska ng mga operatiba sa suspek ang humigi’t-kumulang sa apat kilograms ng shabu na tinatayang may standard drug price P27,200,000.00 ang halaga, isang genuine P1,000 bill na kasama sa boodle money na ginamit bilang buy-bust money, ID at cellphone.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong suspek. (Richard Mesa)
-
Ads March 7, 2024
-
Dahil ginamit sa video ang kuha sa kasal nila: Ex-husband ni MOIRA na si JASON, tinawag na ‘clout chaser’ at ‘user’
“CLOUT Chaser” at “User” ang ilan sa mga salitang mababasa sa mga comments patungkol kay Jason Marvin. Ang ex-husband ni Moira dela Torre, though, technically, mag-asawa pa rin sila dahil hindi pa naman sila annulled. In bad taste ang kinalabasan ng music video ni Jason sa bago niyang single na “Ikaw […]
-
Gobyerno, patuloy na kakalingain ang mga lubos na nangangailangan-PBBM
PATULOY na kakalingain ng gobyerno ang mga kababayan na lubos na nangangailangan. “Hindi po natin sila pababayaan,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, araw ng Lunes, Hulyo 25. Mangunguna aniya sa pag-aagapay sa mga […]