Babaeng suspek sa Hernando robbery-slay sa Valenzuela, timbog
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
Nadakip na ng mga awtoridad ang isang babae na kabilang sa mga suspek sa robbery-slay case sa company messenger na si Niño Luegi Hernando sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City noong October 9.
Pinuri ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang Valenzuela Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega dahil sa matagumpay na pagkakaaresto kay Jo-Anne Quijano Cabatuan, 31 ng Brgy. Lawang Bato sa bisa ng warrant of arrest sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Lourdes, Minalin, Pampanga.
Si Cabataun ay unang naging saksi sa brutal na pamamaril kay Hernando ng riding-in-tandem na mga suspek na si Rico “Moja” Reyes at Narciso “Tukmol” Santiago bago tinangay ng mga ito ang motorsiklo at sling bag ng biktima na naglalaman ng pera.
Sa masusing imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na sangkot si Cabatuan sa kaso dahil sa pagbibigay umano ng impormasyon sa gunman sa kinaroroonan ni Hernando matapos itong mag-withdrew P442,714 cash sa bangko. Nadiskubre din ng pulisya na si Hernando ay tumistigo kontra sa live-in partner ni Cabatuan na kalaunan ay nakulong sa kasong rape.
Nauna nang naaresto ng pulisya ang dalawa pa sa mga suspek na si Edgar Matis Batchar at AWOL na pulis na si Cpl. Michael Bismar Castro habang patuloy namang pinaghahanap ang mga pangunahing suspek na sina Reyes, Santiago, at PO1 Anthony Glua Cubos na pawang kinasuhan ng Robbery with Homicide.
Ang pamahalaang lungsod ay magbibigay ng P300,000 reward bawat suspek sa sinumang makapagbibigay impormasyon para sa agarang pagkakaaresto sa mga ito.
“We will not stop until all the suspects are brought forward into justice,” ani Mayor REX. (Richard Mesa)
-
Ads October 1, 2020
-
FDA, nakikipag-ugnayan na rin sa gumagawa ng popular na Filipino instant noodles dahil sa isyu ng ‘ethylene oxide’
NAKIKIPAG-UGNAYAN na rin ang Philippine Food and Drugs Administration (FDA) sa kumpanya na gumagawa ng popular at paboritong instant noodle brand ng mga Pinoy para masuri ang safety standards compliance nito. Ayon sa FDA, sinimulan na nila ang pag-imbestiga sa naturang produkto kasunod ng lumabas na report mula sa European countries sa Ireland, […]
-
ALBIE, tahasang sinabi na hindi pa rin ramdam kahit vindicated na dahil sa bashing at nawalang trabaho
KUMPARA nga siguro sa mga nakaraang anniversary special ng GMA-7’s longest running-gag show na Bubble Gang mas simple nga raw ang selebrasyon ng show kahit na isang milestone ang sine-celebrate nila ngayon. Imagine, 25 years, as in, silver anniversary ng show. Mabibilang lang siguro sa daliri ng kamay ang mga programa sa telebisyon […]