BABAENG TAIWANESE NA WANTED, INARESTO SA PANLOLOKO
- Published on March 7, 2022
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Taiwanese na wanted ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa panloloko sa kanyang mga kababayan ng mahigit sa US$7 million dollars may dalawang taon na ang nakakaraan.
Sa ibinigay na report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ng BI’s fugitive search unit (FSU), kinilala ang suspek na si Li You-Ci, 31 na inaresto sa Camp Crame, Quezon City.
Unang iniulat na si Li ay na-rescue ng mga alagad ng batas mula sa kanyang mga kidnappers subalit lumabas sa record na si Li ay isang dayuhan na wanted sa Taiwan.
Si Li ay naaresto ng BI-FSU sa bisa ng mission order na inisyu ni Morente dahil sa kahilingan ng mga awtoridad sa Taiwan.
Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si Li ay tinutukoy sa isang outstanding arrest warrant na inisyu noong Abril ng Kinmen District Prosecutor’s Office sa Taiwan.
Sinabi ni Sy na si Li ay kinasuhan ng panloloko sa nasabing korte dahil sa panlilinlang sa kanyang mga biktima ng mahigit 200 new Taiwan dollars, o US$7.1 million bilang investment scam.
Sinasabing hinikayat ni Li ang kanyang mga biktima na nag-invest sa kanyang negosyo subalit lumabas na peke pala ito saka ito tumakas dito sa Pilipinas dala ang pera.
Sa record ng BI’s travel database si Li ay overstaying na ng mahigit dalawang taon kung saan nagtago siya sa bansa noon pang August 2019 bilang isang turista. (GENE ADSUARA)
-
NBA All-Stars 2021 maraming mga pagbabagong ipinatupad
Magiging kakaiba ngayong taon ang NBA All-Star Game dahil sa patuloy na nararanasang COVID-19 pandemic. Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na limitado ang naimbitahang manood sa laro na gaganapin ngayong araw sa State Farm Arena sa Atlanta. Bukod kasi sa All-Star weekend ay ginawa na lamang itong isang araw kung […]
-
FAILURE OF BIDDING SA OMR MACHINE
NAGDEKLARA ng failure of bidding ang Commission on Elections (Comelec) Special Bids and Awards Committee (SBAC) sa pagkuha ng karagdagang optical mark reader (OMR) machines para sa May 2022 elections. Inanunsyo ni SBAC chairperson, lawyer Allen Francis Abaya sa virtual opening ng bids ang kabiguang mag-bid matapos hindi magsumite ng kanyang bid ang nag-iisang bidder […]
-
CATCH SNEAK PREVIEWS OF “THE FLASH” NATIONWIDE JUNE 13 BEFORE ITS WIDE RELEASE
MANILA, June 5, 2023 – It’s barely a week before “The Flash” opens in cinemas! Want to watch it ahead of everyone else? Catch a sneak preview in select cinemas nationwide on the evening of June 13, one day before the film opens wide across the Philippines. Hurry and book your tickets! If you need more convincing, […]