Babaeng Vietnamese inaresto sa ‘unruly behavior’
- Published on July 5, 2024
- by @peoplesbalita
INARESTO ng mga opisyal ng immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang babaeng Vietnamese dahil sa kanyang ‘unruly behavior”.
Una rito, personal na humarap si Ban Thi Van, 19, sa kayang immigration clearance para sa pagsakay nito sa Cebu Pacific Air flight biyaheng Hanoi.
Pero sa isinagawang inspection ng mga immigration officers, bigla nitong hinablot ang kanyang pasaporte at ibinalibag saka nagsisigaw at naglupasay sa sahig na nagdulot ng kaguluhan sa immigration departure area.
Humingi ng assistance ang BI border control and intelligence unit sa airport police at Philippine National Police (PNP) aviation security group at tuluyan itong inaresto.
Matatandaan na nitong nakaraang buwan, isa ring babaeng Vietnamese ang nagdulot ng kaguluhan sa NAIA terminal 3 sa pagtakbo nito ng hubot-hubad. GENE ADSUARA
-
8,773 bagong COVID-19 cases naitala ng DOH, ika-2 ‘all time high’ this week
Nakapagtala ang Department of Health ng 8,773 bagong infection ng coronavirus disease ngayong Huwebes, kung kaya nasa 693,048 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa. Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito: lahat ng kaso: 693,048 nagpapagaling […]
-
Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan, nagpasalamat sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines
Nagpasalamat si Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines para sa Parlympics 2024 na nakatakdang magtapos bukas, Setyembre-8. Ayon kay Gawilan, buo ang suportang natatangap ng team mula sa sports fans at mga opisyal ng bansa mula pa man noong naghahanda pa lamang ang mga ito […]
-
Willie Revillame, mamimigay ng P5-M sa mga jeepney drivers
Ngayong linggo na umano matatanggap ng mga jeepney drivers ang tulong pinansyal na ipinangako ni Willie Revillame sa gitna ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic sa bansa. Ayon sa 59-year-old TV host/actor, personal niyang ipapamahagi ang P5 million cash na paghahati-hatian ng mga tsuper ng jeepney. Katunayan ay nagkausap na aniya ang mga abogado […]