Babala ng Pangulo kay Robredo kapag tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 election, “waswasan kita”
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice-President Leni Robredo na kapag tumakbong pangulo ang huli sa 2022 election ay marami siyang sasabihin dito.
“Marami ako sabihin sa’yo. Reserba ko na lang. When you start your campaign, ‘waswasan’ kita. This is your nightmare,” banta ni Duterte na matatapos ang termino sa June 2022.
Sa public address ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi ay pinasaringan din nito si Robredo tungkol sa kung nasaan ang Bise Presidente tuwing gabi.
Tinawag din ni Pangulong Duterte na sinungaling si Robredo dahil sa umano’y paghahanap sa kanya noong nanalasa ang bagyong “Ulysses.” May sagot naman ang pangalawang pangulo sa mga patutsada sa kanya.
Ipinaliwanag ng Pangulo na nasa online ASEAN Summit siya nang manalasa ang bagyo.
Nang gabi ng Biyernes nang maiulat ang paglubog ng Cagayan dahil sa pagbaha, abala si Robredo sa pakikipag-ugnayan sa militar para sa pag-rescue sa mga residenteng nasa bubungan ng mga bahay.
Mula nang manalasa si “Ulysses,” walang pahayag si Robredo sa publiko tungkol sa paghahanap sa pangulo bagaman nag-trending sa social media ang #NasaanAngPangulo.
Sinabi ni Pangulong Duterte na si Robredo ang nagpasimula ng nasabing #NasaanAngPangulo, na nag-trending din noong bagyong “Rolly.”
Diing pahayag ng Pangulo ay minomonitor niya ang sitwasyon sa epekto ng bagyo kahit dumadalo siya sa ASEAN Summit.
“I would go and whisper to the military guys in the room, how was it developing and what was the reaction of our government people there and the resources?” ang pahayag ng Chief Exevutive.
“Hindi mo na kailangan orderin ‘yan sila kasi two days before, deployed na ‘yan sila doon,” patuloy niya.
Ayon pa kay Duterte, nagbibigay ng utos umano si Robredo sa militar sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong “Ulysses.”
Sa mga tweet ni Robredo, iniuugnay niya ang netizens na nangangailangan ng tulong sa rescue teams na nasa lugar.
Giit ni Pangulong Duterte, “You are presuming that I should be giving orders on the day of the storm. That is stupid… That is why you cannot be President. Mahina ka. You do not give orders on the day of the war, patay ka.” (Daris Jose)
-
AJ, pinagalitan ng ama na si JERIC dahil nag-post ng topless photo kaya deleted na
ANAK ng dating action star na si Jeric Raval si AJ Raval. Itong Death of A Girlfriend ang second film ni AJ after Gusto Kong Maging Porn Star. Dahil mas may experienced si Diego Loyzaga sa acting kumpara kay AJ, malaki raw ang naitulong ng actor para maging comfortable si AJ […]
-
Pacman, kargado na ng protina ang pagkain, ilang araw bago ang laban
Nananatili umanong agresibo sa nalalapit na laban si 8-division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao, kahit naudlot ang laban kay American undefeated boxer Errol Spence at ipinalit si Yordines Ugas. Ayon sa isa sa tagaluto ng team Pacquiao na si Cliff Ramat Manzano hindi nagbago ang gilas ng fighting senator. Kaya […]
-
Nakaka-relate dahil galing din sa broken family: ZAIJIAN, ramdam ang nerbyos at pressure sa bagong role
AMINADO si Zaijian Jaranilla na may naramdaman siyang nerbyos at pressure dahil sa role niya bilang Gio Ilustre, ang solong anak nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo sa upcoming ABS-CBN drama series The Broken Marriage Vow, which premieres on January 22 on iWantTFC and January 24 on Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, and […]