• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babala sa hoarders: 15 taong kulong, P2M multa ipapataw

PlNASASAMPOLAN ng isang lider ng Kamara de Representantes ang mga hoarder ng alkohol at iba pang produkto na lalo lamang magpapasama sa kalagayan ng bansa ngayong kumakalat na ang coronavirus disease.

 

Ayon kay House committee on trade and industry chairman at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian sa ilalim ng Price Act ang mga hoarder ay maaaring makulong ng lima hanggang 15 taon, at multang P5,000 hanggang P2 milyon.
“I have received reports that some basic goods in major supermarkets, like alcohol, masks, instant noodles, and canned goods are out of stock for a period of time now. This, despite reports from manufacturers that the supply of goods is enough to meet the increased demand caused by the public health crisis faced by the country, raising concerns of hoarding,” ani Gatchalian.

 

Sinabi ni Gatchalian na hindi lamang ang sarili ang dapat na intindihin kundi maging ang kapakanan ng iba, marami sa kanila ay sapat lamang ang panggastos sa pang-araw-araw na pangangailangan.

 

“Let us not purchase more than what we need in order to afford others who have the same need as you and I. Our collective effort is needed if we are to survive this crisis as one nation,” dagdag pa ng solon.

 

Sa ilalim ng Price Act (RA 7581) ay ipinagbabawal ang labis na pag-iimbak ng mga basic commodity upang pataasin ang presyo nito.

 

Kaugnay nito, maging ang Palasyo ay kaisa sa mungkahing ito kung saan ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang magsasamantala sa sitwasyon ngayon dahil nakalilikha lamang ito ng pagtataas sa presyo ng mga bilihin.

 

Ayon kay Panelo, hindi rin sasantuhin ng Palasyo ang mga reseller na nagbebenta ng sobra-sobrang presyon sa mga basic commodoties. (Ara Romero)

Other News
  • Sumasayaw noon pero parang ‘di na bagay ngayon: ALLEN, nahahatak na lang gawin dahil sa nagti-Tiktok

    KARAGDAGANG karakter si Allen Dizon sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ at dahil nga sa patuloy na mataas na rating ng programa, sigurado na ang kanilang extension. Hanggang kailan ba mae-extend ang kanilang serye?   “Well, actually malalaman namin this month kung… pero ang sinasabi nila, ang sinabi nilang extension dati  hanggang July.   “So, ngayon parang […]

  • Ads March 20, 2024

  • Pinay karateka Jamie Lim, naghahanda na sa Olympic qualifier

    Patuloy ang ginagawang paghahanda ni Filipina karateka Jamie Lim para sa Olympic qualification tournament.   Isa kasi si Lim sa nanguna noong nakaraang Southeast Asian Games na nanguna sa womens +61 kg. kumite para makuha ang gold medals.   Nakatakda sana lumahaok sana si Lim at ibang mga Filipino karatekas sa world Olympic qualifying tournament […]