• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Back-riding na mag-asawa puwede na sa motorcycle

Simula noong Biyernes, July 10 ay pinayagan na ng pamahalaan ang pagsakay ng mag-asawa sa motorcycle subalit kinakailangan silang sumunod sa mga health standards na pinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

Isa sa mga mandatory health requirements ay ang paglalagay ng body shields sa pagitan ng driver at ng sakay nito upang maiwasan ang direct physical contact.

 

“Back-riding is allowed between married couples,” wika ni presidential spokesperson Harry Roque.

 

Kinlaro naman ni Interior Secretary Eduardo Ano na ang mag-asawa ay hindi kinakailangan kasal basta sila ay nagsasama sa iisang bubong.

 

“Couple living in the same household, whether they are married or they are common-law husband and wife or boyfriend and girlfriend but they are living in the same household,” dagdag ni Ano.

 

Kung sila ay kasal, kinakailangan pareho ang kanilang apelyido o di kaya ay may parehas na address sila sa kanilang IDs upang mapatunayan na sila ay nagsasama.

 

Ayon rin kay Roque na kailangan nilang sumunod sa mininum public health standards tulad ng pagsusuot ng face masks at helmet kasama na ang pagsunod sa minimum speed limit.

 

Ang bagong road courtesy na ito ay hindi kasama ang operasyon ng motorcycle-riding apps tulad ng Angkas na hanggang ngayon ay wala pa rin na franchise.

 

Sa  hanay naman ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni Lt.Gen. Guillermo Eleazar na sa ngayon ay gumagawa sila ng guidelines upang maiwasan ang pagkalito sa pagpapatupad nito.

 

Sinabi rin ni Eleazar na kinakailangan mayroon specific na guidelines upang maiwasan na ang mga tao ay magkukunwaring mag-asawa upang makalusot lamang sa quarantine control points at checkpoints.

 

“They would do every alibi that they can think of just to circumvent the rules even if they are fully aware that what they are doing are wrong,” wika ni Eleazar.

 

Natuwa naman si Senator Grace Poe sa desisyon ng pamahalaan na payagan ang mag-asawa na sumakay sa motorcycle upang maibsan na rin ang problema sa public transportation sa panahon ng pandemic. “It’s a significant relief to families who rely solely on their motorcycles to get to work or place of livelihood. Rationality and compassion for Filipino families finally prevailed in this policy,” ayon kay Poe.

 

Subalit pinaalalahanan din ni Poe ang mga mag-asawa na sumunod sa naaayon na mga existing safety protocols tulad ng parating pasusuot ng face mask at helmet, disinfection at pasunod sa traffic rules upang masiguro ang pagkakaroon ng isang virus-free na transportation.

 

Samantala, binalaan naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko laban sa paggamit ng colorum na motorcycles o habal-habal upang makarating lamang sa kanilang destinasyon.

 

“We are not pleading to those who are legally married or live-in partners. They are allowed to ride on motorcycles together. The question is for colorum motorcycle riders who will take advantage of this again,” sabi ni MMDA traffic chief Bong Nebrija.

 

Ang hindi susunod sa bagong back-riding policy ay papatawan ng kaukulang penalty sa ilalim ng Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Heath Events of Public Health Concern Act.  (LASACMAR)

Other News
  • 55 websites, ipinasara ng United States dahil sa illegal live streaming ng FIFA World Cup

    LIMAMPU’T limang website ang nasamsam ng US Justice Department para sa ilegal na live-streaming na mga laban mula sa FIFA World Cup sa Qatar.     Ayon sa pahayag ng departamento, ang mga website ay isinara matapos matukoy ng isang kinatawan ng FIFA ang mga site na ginagamit upang ipamahagi ang nilalamang lumalabag sa copyright […]

  • VP Robredo pumalag sa mga patutsada sa kanya ni Pres. Duterte

    Hindi na nakapagtimpi pa si Vice President Leni Robredo sa sunod-sunod na tirada laban sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.   Tinawag ni Robredo na isang “misyogynist” ang presidente.   Ito raw ay ang uri ng mga tao na kinamumuhian ang mga kababaihan.   Sa isang Twitter post, ipinakita ng bise-presidente ang ginagawa ng […]

  • Nagbawas at nagdagdag para maging relevant at fresh: MICHAEL V., kinausap ang mga natsugi sa ‘Bubble Gang’ para ‘di sumama ang loob

    SA pag-launch ng bagong Bubble Gang sa May 27, hindi na makakasama sa latest reformat ng show sina Mikoy Morales, Denise Barbacena, Liezel Lopez, Arra San Agustin, Lovely Abella, Ashley Rivera, Diego Llorico, Myka Flores at ang isa sa pioneer cast member na si Antonio Aquitania.     Ayon kay Michael V., ginawa raw nila […]