• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Back-to-back na magluluto sa newest vlog: Sen. IMEE, babalikan ang 80s Moroccan experience nila ni BORGY

ISA na namang mega gastronomic weekend treat ang hatid ni Sen. Imee Marcos sa kanyang bagong vlog entry.

Makakasama niya sa foodie bonding ang anak na si Borgy Manotoc na tiyak na kagigiliwan ng mga Pinoy food lovers.

 

Mula nang bumalik siya sa pagba-vlog ngayong taon, libu-libong sa mga loyal fans ni Imee ang nagre-request ng isang espesyal na cooking episode. Kaya naman pinagbigyan na ng walang kapaguran na Senadora ang kanilang request dahil ngayong Biyernes, Setyembre 9, magluluto sila ni Borgy nang back-to-back.

Para sa episode na ito, babalikan nina Imee at Borgy ang kanilang 80s Moroccan experience sa pagluluto ng mga natutunan nilang mga Arab dishes, sa kanilang pamamalagi sa magnificent African kingdom na ito.

 

Mula sa masasarap na dips at hearty salads gaya ng Hummus, Baba Ganoush, at Tabbouleh. Ipakikita rin nina Imee at Borgy sa kanilang mga followers kung paano lutuin ang ilang mga Arabic favorites na pwedeng gawin sa bahay at pagsaluhan ng buong pamilya.

Sa Sabado naman, Setyembre 10, eksklusibong ipasisilip ni Sen. Imee ang kanyang official day sa Senado habang binibigyan niya ang mga viewers ng all-access pass sa karaniwan niyang workday.

Tiyak na maaaliw ang mga manonood habang ililibot sila ng Senadora sa iba’t-ibang lugar sa Senado. Ipasisilip din niya ang pagpupulong kasama ang kanyang kapwa mga Senador.

Pati na ang mga bisita nila mula sa Japan na kasama ang Japanese Ambassador to the Philippines, His Excellency Koshikawa Kazuhiko.

Tunghayan ang culinary skills nina Imee at Borgy at silipin ang Philippine Senate sa mga mata ng Senadora. Mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • DOTr: kapasidad ng mga mass transport dati pa rin ngayon ECQ

    Wala nang mangyayaring pagbabawas ng kapasidad ng mga mass transport sa National Capital Region-Plus bubble sa ilalim ng isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).     Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) sa isang statement na kanilang ginawa.     Ang DOTr na siyang naatasan na gumawa ng guidelines tungkol sa […]

  • Higit 18K katao, arestado sa hindi pagsusuot ng face masks

    Umaabot na sa kabuuang 18,862 indibiduwal ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa hindi pagsusuot o di kaya ay maling paraan nang pagsusuot ng face masks.     Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang naturang bilang ng mga naarestong violators ay naitala nila mula Mayo 6 hanggang […]

  • China nagpadala ng 27 barko sa West Philippine Sea

    HINDI bababa sa 27 barko ang ipinadala ng China sa West Philippine Sea (WPS) na isang “major maritime militia rotation”, ayon sa isang maritime security expert.     Ipinadala ang nasa 27 barko ilang araw matapos magkasundo ang Pilipinas at China na bawasan ang tensyon sa rehiyon sa pamamagitan ng diplomasya.     Napaulat na […]