Animal lover at Kapuso actress Carla Abellana, may feeding program sa mga stray animals
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
Siguradong ikatutuwa ng mga fans ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ang balitang ito, dahil matutupad na ang request nila sa GMA Network na bigyan ng isang serye ang idolo nila. Matagal-tagal na rin ang huling teleserye na ginawa ni Julie Anne, sa Kapuso Network, ang “My Guitar Princess,” noon pang July, 2018.
Ngayon nga ay may upcoming series na gagawin si Julie Anne, ang “The Heartful Cafe,” na gagampanan niya ang online romance novelist na may-ari ng coffee shop, si Heart Fulgencio. Makakasama niya si David Licauco bilang ang guwapo at goal-driven niyang co-investor, si Ace. Kasama rin nila sina Zonia Mejia as Sol, pinsan ni Heart at Jamir Zabarte as the boy-next-door na si Buddy.
Sa serye, maghahatid si Julie Anne ng iba’t ibang kuwento ng pag-ibig para sa mga manonood sa GMA News TV.
Tamang-tamang may gagawing bagong serye si Julie Anne dahil matatapos na rin ang pagiging host panel niya, with Rayver Cruz, sa ongoing singing competition na “The Clash Season 3,” na napapanood tuwing Sabado, 7:15PM at Linggo, at 8:45PM, sa GMA-7.
*****
Sayang ang press launch via zoom conference na inihanda ng ToktokPhilippines, para sa first time nilang celebrity endorsers, ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza last Thursday, December 10. Nagkaroon kasi ng technical glitz, kaya hindi magkarinigan sina Alden at Maine at ang mga invited press. Magtatanong ang press, ibabato ito kina Alden at Maine pero hindi naman marinig ng press ang sagot nila. Sinikap nilang maayos ang audio pero wala pa rin.
Si Dondon Sermino ang nagtanong kung ano ang feeling nina Alden at Maine, ngayon na after almost three years ay saka lamang sila muling nagsama sa isang endorsement? Si Alden lamang ang nakasagot na “masaya po kami ni Maine dahil after one (na kinurek ni Maine na two) years ay muli kaming nagkasama sa isang TVCommercial.” Hindi ito narinig ni Dondon at ng ibang press at hindi rin nasagot ni Maine dahil wala siyang audio.
Hindi na tuloy nakapag-invite sina Alden at Maine sa mga gustong maging online franchise owner ng Toktok Ph, dahil hindi naayos ang audio. Ginawa na lamang ang contract signing nila with the owners na sina Jonathan So at Carlito Macadangdang.
May mga vloggers na nag-cover ng press launch pero kung ano lamang ang napanood sa Facebook page ng Toktok Ph, iyon din lamang ang naibigay nila sa kanilang mga subscribers.
*****
Animal lover talaga si Kapuso actress Carla Abellana, kaya hindi kataka-taka na kahit busy pa siya sa lock-in taping ng GMA Telebabad series niyang “Love of my Life,” ay naghahanda pa rin siya ng feeding program para sa stray animals, ngayong papalapit na ang Pasko.
“Christmas is fast approaching and it’s time to make some strays feel this season too,” Instagram post ni Carla. “Let’s all share our blessings by giving them one of the best gifts a stray dog or cat can get, a clean and decent meal.”
Isang feeding program ang inilunsad ni Carla mula December 21 to 28. Nagpapasalamat na si Carla sa mga nagbibigay ng suporta sa kanyang advocacy. (Nora V. Calderon)
-
VIP tickets ng EHeads concert, almost sold-out na: ALDEN, nire-request na ipag-produce din ang iba pang banda
MUKHANG na-inspire si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa role na ginagampanan niya sa high-rating teleserye ng GMA Network, ang “Start-Up Philippines.” Si Alden as the Good Boy, Tristan Hernandez ay ulila pero may pangarap na magsikap para umasenso. Natupad niya iyon at isa na nga siyang CEO sa kanyang company, ang Sandbox. […]
-
GRETCHEN, ipinagtanggol si ATONG sa kumalat na fake ‘quote card’; JANNO, DENNIS at ANDREW, may bago na namang pasabog
IPINAGTANGGOL ng kilalang socialite-actress na si Gretchen Barretto sa kumalat na fake news tungkol sa businessman at close friend na si Charlie ‘Atong’ Ang. Ipinagdiinan ni Gretchen na hindi totoo ang kumakalat na quote card ni Atong Ang na parang kinakalaban ang presidential aspirant na si ex-senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na mas […]
-
1 Thessalonians 5:15
Always seek to do good to one another and to all.