• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Backriding sa tricycle, pwede na uli sa valenzuela

PINAPAYAGAN na ulit ng Local Government ng Valenzuela City ang back-riding o pag-angkas sa mga pampasaherong tricycle sa lungsod.

 

Ayon kay Mayor Rex Rex Gatchalian, alinsunod sa ordinansa No. 810 Series of 2020, dapat lamang ay may nakakabit na non-permeable transparent barrier, tulad ng plastic cover sa pagitan ng driver at pasaherong nakaangkas.

 

Kailangan ding nasusunod ang minimum health standards, katulad ng pagsuot ng mask at face shield ang driver at kanyang pasahero.

 

Paalala pa ng alkalde, isang pasahero pa rin ang papayagan na sumakay sa loob ng sidecar at lahat ng bibyahe ay kailangang sumunod sa health safety satandards.

 

Kaugnay nito, sa inilabas na fare matrix ng pamahalaang lungsod, P12 na minimum fare ng kada pasahero ng tricycle at magdadagdag ng P2 sa kada sususnod na kilometro.

 

Para naman sa special trip, P24 na ang babayaran ng pasahero simula sa terminal at magdadagdag ng P4 kada susunod na kilometro.

 

Magsisimula sa Lunes, November 2, 2020 ang pagpapatupad ng pag-angkas sa mga tricycle para mabigyan ang mga tricycle drivers ng sapat na paghahanda sa pagkabit ng kanilang mga transparent barriers. (Richard Mesa)

Other News
  • Binalik-balikan ang eksenang sinampal at buhusan ng juice: LEXI, naalala

    BIGLANG naalala ng ‘Running Man PH’ contestant na si Lexi Gonzales ang namayapang aktres na si Cherie Gil.       Kabilang kasi si Cherie sa umupong council noong ika-7th season ng ‘StarStruck’ kunsaan tinanghal si Lexi bilang First Princess.       Nasa Korea si Lexi noong makarating sa kanya ang balitang pumanaw ang […]

  • Bulacan, pasisinayaan ang kauna-unahang sariling molecular lab building

    LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang isang buwang konstruksyon upang mabilisang makatugon sa pandemya, pasisinayaan na ang sariling Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory Building ng lalawigan sa Bulacan Medical Center Compound kanina.   “Inaasahang mapapalawak ng molecular lab facility ang kapasidad ng lalawigan na magsagawa ng mga test na mas mabilis at may tamang mga resulta. Ito ay mahalagang bahagi ng […]

  • Pinay tennis player Alex Eala nabigo sa unang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis

    Nabigo sa ikalawang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis Championship girls’ singles si Filipina tennis player Alex Eala sa Florida.     Hindi nakaporma ang 16-anyos na si Eala kay Kristyna Tomajkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3.     Ito na ang kaniyang pang-huling torneo ngayong taon.     Maglalaro pa […]