• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baclao ayos sa Meralco

SOLB na si Siverino ‘Nonoy Baclao, Jr. sa pagbabalik sa Meralco sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Abril 9.

 

 

Maski hindi pa nakapaglaro sa Bolts taong 2020, pinagkalooban ng kuryente ng contract extension ang 33-year-old, 6-foot-5 big man na produkto ng Ateneo de Manila Univerity-Quezon City.

 

 

Ginamit ni Baclao ang Season 45 ng unang Asia’y play-for-pay hoops na pagpaparehabilitasyon sa kanyang injury na nakuha sa unang laro ng 2019 Governors Cup habang nasa Alaska Milk pa.

 

 

Mabuti’t sinalo siya ng Meralco noong Abril buhat sa unrestricted free agent list, pero hindi rin nakasama sa import-less conference sa Angeles, Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre. Nakarating hanggang semifinals ang Bolts bago nilango ng eventual champion Ginebra Barangay Ginebra Sanm Miguel.

 

 

Kapag nakabalik-0aksiyon si Baclao, maaring mag-iba ang ihip ng hangin para sa koponan.

 

 

“He would have helped a great deal being able to guard Japeth (Aguilar) and (Prince) Caperal,” sima ni Bolts coach Norman Black na mentor din dati ni Baclao sa ADMUBlue Eagles. (REC)

Other News
  • Pagtatalo ng China at Pinas sa WPS: Bilateral consultation, friendly communication, kailangan

    SINABI ng China na ang pagtatalo nila ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea ay mangangailangan ng “bilateral consultation and friendly communication.”       “We are two neighbors who have some differences, but what is crucial is the way and manner we handle the differences. We need to manage our differences with bilateral […]

  • Bong Go: 2023 calamity funds dagdagan

    SUPORTADO  ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang dagdagan ang national calamity fund para sa taong 2023 dahil sa mga nagdaang kalamidad na tumama sa bansa.     Sa isang pahayag, sinabi ni Go na wala siyang tutol na dagdagan ang calamity funds sa pagsasabing tungkulin ng gobyerno na agad tulungan ang mga naapektuhan ng […]

  • $750-M loan para sa sustainable recovery ng Pinas, oks sa World Bank

    INAPRUBAHAN ng World Bank ang $750-M loan para sa Pilipinas para palakasin ang “environmental protection at climate resilience’ lalo na ang target na renewable energy at tumulong na mabawasan ang panganib ng climate-related disaster.     “The US$750 million Philippines First Sustainable Recovery Development Policy Loan (DPL) supports ongoing government reforms to attract private investment […]