• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Badyet sa bubble inaaral – Marcial

PAG-UUKULAN nang malaking halaga ang ligtas na kukuning bubble venue ng Philippine Basketball Association (PBA) kapag muling binuksan ang 45th Philippine Cup 2020 sa papasok na buwan.

 

May limang hotel ang kinukunsiderang bubble ng propesyonal na liga ang nagbigay ng presentasyon kay Commissioner ilfrido ‘Willie’ Marcial.

 

“Iko-consider namin lahat ng proposals, then saka kami gagawa ng presentation sa Board in the next meeting,” pahayag ng opisyal nitong Biyernes.

 

Ang mga pinagpilipian ay ang Clark sa Angeles City, Subic Freeport Zone sa Olongapo City, Inspire Sports Academy sa Calamba City, Big Dome sa Quezon City at Baguio City.

 

Dinagdag ng komisyoner na pinakamaagang itatagal ng bubble ang dalawang buwan kaya inaaral pa ang malaking gastos.

 

Bukod sa eksklusibong  pagggamit sa playing venues at gyms, may akomodasyon pa sa hotel na para sa 350-400 personnel  na kabibilangan ng players, coaching at support staffs, TV crews at mga tauhan ng liga.

 

Bokya sa kita ang liga mula nang itinigil ang season-opening conference nitong Marso 11 dahil sa coronavirus disease 2019.

 

“’Yun ang pag-uusapan pa,  ang gastos,” hirit ni Marcial. “Baka hindi kayanin lahat ng PBA, kaya baka mag-share sa gastos ang teams.”

 

Una rin sa bubble venue  ang medical facilities na malapit dito para may pagdadalahan agad sakaling may maaksidente, may ma-injury o magka-COVID-19.

 

“Hangga’t maaari, ayaw naming lumabas pa ng site o complex para sa immediate medical attention at saka less ang risk of infection kesa kung mahaba biyahe ng pasyente,” pang wakas ni Marcial. (REC)

Other News
  • PNP, nagbabala ng mas mabigat na parusa sa mga gagamit ng pekeng vaccine cards

    NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay ng paggamit ng pekeng vaccination card at ang pagpuslit sa mga border control.     Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, haharap sa mas mabigat na parusa ang mga mahuhuling lalabag sa naturang panuntunan ng ating pamahalaan kabilang na riyan ang pagkakakulong.     […]

  • Lee maangas ang workout, sasabay pa rin sa mga bata

    PAMBIHIRA  magpakondisyon sa ngayon si Philippine Basketball Association (PBA) star Paul John Dalistan Lee ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.     Pinagpepreparahan ng 31-anyos, 6-0 ang taas na Angas ng Tondo ang 46th PBA 2021 Philippine  Cup na balak umpisahan sa darating na Abril 9 makaraan ang Online 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14. […]

  • Tyson lalabanan muli si Lewis

    Inanunsiyo ni dating heavyweight boxing champion Mike Tyson na kaniyang lalabanan ang dati ring kampeon na si Lennox Lewis.     Sinabi nito na gaganapin ang laban ng dalawa sa Los Angeles sa buwan ng Setyembre.     Paglilinaw din nito, hindi na matutuloy ang nilulutong muling paghaharap niya kay Evander Holyfield.     Mas […]