• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagay sa kanya at pwedeng gumawa ng comedy version: HERLENE, natupad na ang pangarap na makapag-suot ng costume ni ‘Darna’

PASABOG ang birthday post ni Herlene Nicole Budol na kung saan proud na proud siya na nakapag-suot ng costume at natupad na ang dream niya na maging ‘Darna’.

 

Caption ng First Runner-up sa Binibining Pilipinas 2022 na nag-celebrate ng 23rd birthday last August 23, “Ding ang korona! Suot ko ang costume ni Darna hango sa idolo kong si Marian Rivera ng @gmanetwork na naging Darna noon. Natupad na din ang pangarap kong magsuot ng Darna costume sa aking kaarawan.

 

“At sa mga pumunta kagabi, na lugod kong kinatutuwa ang mga pasabog at supresa hatid ninyo sa akin. Maraming salamat sa Budol Family, Policarpio & Timbol Family, Soto & Guevarra Family at KaFreshness Family Headed by @sirwil75.

 

“kht may Baguio andyan kayo para supportahan ang aking Birthday Celebration. Mapapanood nyo eto sa upcoming Vlog ko!! Salamat mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan!”

 

Kaaliw talaga si Herlene, kaya marami ang nagkakagusto sa kanya, at ginawa talaga ang City of Pines ng na ‘bagyo’ ha ha ha, ewan lang kung sinadya ba talaga niya ‘yun.

 

Anyway, reaction naman ng mga marites sa bonggang IG post ni Herlene:

“Kung body rin lang namn ang usapan aba e pak na pak itong si Hwrlene ganda ng height at built nya pang super model.”

 

“Panget boobs nya s costume na yan, d bagay.”

 

“Masyadong matigas ang dibdib niya. I wonder saan pinagawa.”

 

“Saying hindi nahasa yung communication skills niya noong lumalaki siya. But hey, I guess no one can have it all.”

 

“Si Nanette Medved lang ba ang matangkad na naging Darna?”

 

“Natatawa ko kasi may full name pa rin sa picture lol.”

 

“Te beauty queen kana. Di mo na kailangan ng mga corny gimik at costume. Nakaka cheap.”

 

“Wala nman sya crown at last pageant nya na daw yun, wala naman pake kung ganyan image nya, ganyan talaga sya not classy.”

 

“Maganda naman si herlene. naayos na nga yung ipin nya kaya mas lalo syang gumanda,:

 

“Magkamukha na sila ni MJ Lastimosa.”

 

Komento pa ng isang marites, “Parang nakakatuwa siyang maging Darna. Yung medyo comedy ang story, medyo jologs pero pag naging Darna na nagbabagong anyo nagiging sosyal sya hehe.”

 

Oo nga, great idea, pero mukhang malabo naman mangyari ‘yun sa ngayon. At dahil nag-‘Darna’ na siya, request ng followers, subukan din niyang mag-‘Dyesebel’ na ginampanan din ni Marian sa Kapuso network.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • May book signing and tour sa ibang bansa: PIA, pinasilip na ang magiging book cover ng upcoming novel

    PINASILIP ni Pia Wurtzbach ang magiging book cover ng kanyang upcoming novel na may titulong ‘Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty.’     Sa kanyang Instagram account, nag-share si Miss Universe 2015 ng photos na hawak niya ang kanyang libro na may pink cover at white silhouette ng isang babae.     […]

  • Gyms, fitness centers at iba pa pinayagan nang magbukas ng IATF

    Simula sa Sabado ay inaasahang magsisibalikan na ang mga fitness buffs sa mga gyms at fitness centers.   Ito ay matapos ihayag kahapon ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na muling buksan ang mga gyms at fitness centers sa gitna […]

  • Ben Affleck’s Final Batman Costume Would’ve Been His Best Yet

    BEN Affleck’s final Batman costume would have been his best yet, had it not been cut from The Flash.   Affleck’s DCEU Batman appeared at the start of the movie, with the character having an action sequence that may be the closest to the comics Batman has ever had in a movie. While he had […]