• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAGO GAWING REQUIREMENT ng LTFRB ang PAGTATANIM ng PUNO ay UNAHIN MUNA na PABILISIN ang pag PROSESO ng PAGKUHA ng PRANGKISA, AT IBA PA!

Inulan ng batikos ang LTFRB sa bagong direktiba nito na magtanim muna ng puno bago makakuha ng prangkisa. Tuloy ang akala ng iba ay naisailalim na ng DENR ang LTFRB at wala na sa DOTr.

 

Pero kami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) wala naman kaming nakikitang masama sa direktibang ganito ng LTFRB.  Marahil ay ito ang isang nakitang paraan ng mga kasalukuyang namumuno sa LTFRB na maaring maiambag ng ahensya tungkol matapos na maranasan ng bansa ang epekto ng matitinding bagyo na nagdulot ng baha sa ilang parte ng Pilipinas.

 

Itinanong namin sa ilang operator kung handa sila mag tree-planting at wala naman daw problema. Pero ang isang malaking statement nila – WALANG PROBLEMA NAMAN ANG MAGTANIM PERO PAKIBILISAN LANG NILA ANG PROSESO NG MGA PAPELES SA LTFRB.

 

Huwag naman nila kalimutan ang mandatong trabaho nila! Baka naman kasi kung sakaling magtanim nga ang mga nire-require na magtanim ay baka malalaki na ang mga puno at namunga na ay wala pa rin ang prangkisa na kanilang inaplayan.

 

Maganda naman ang layunin ng pagtatanim ng puno pero baka maging kasingtagal ng paglaki ng mga puno ang proseso sa LTFRB. Huwag naman itong maging mas malaking biro.  Pero bago sana magdagdag ng requirements ay tingnan muna kung ito ay makakatulong o mas makadadagdag lamang sa pasakit sa mga may transaksyon sa LTFRB.

 

May mga ‘dropping’ at ‘substitution’ na inaabot ng taon ang resolusyon kaya tuloy naluma na yung mga bagong sasakyan na dapat humalili sa phase out ay hindi pa nakaka-byahe.

 

Ilan kayang application for new franchise ang nagkakalumot na at tinutubuan na ng kung anu-ano at di pa kumikilos – mga for resolution na mga kaso, at iba pa. Kung ang pagtatanim ng puno ang magpapabilis sa mga proseso sa LTFRN, ay walang problema! Bakit hindi. Anong klaseng mga puno ba ang gusto nila at saan-saan itatanim! Siguradong makikiisa ang mga aplikante sa LTFRB kung magiging mas mabilis nga ang transaksyon nila pag nagtinim sila ng mga puno.

 

Pero kung hindi naman ay huwag na! At baka sama ng loob lang ang maitanim sa bagong direktiba ng ahensya.  Hindi biro ito. Sana linawin ng ahensya ang mga prayoridad nito at maging mas sensitibo naman sa pangangailangan ng mamamayan. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)

Other News
  • Pagpapatupad na hakbangin ng MMDA para maibsan ang trapik sa EDSA

    HUMIRIT ang Malakanyang at hiningi ang kooperasyon ng publiko sa mga ginagawang hakbangin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masolusyunan ang problema ng trapik sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (Edsa).   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na magreklamo ang ilang motorista sa ginawang pagsasara ng MMDA sa mga […]

  • ALDEN, pina-iyak si BETONG dahil ‘di akalain na papakyawin ang mga binebenta sa live selling

    MATAGAL nang kumakalat ang rumors mula sa set ng upcoming GMA Afternoon Prime na Las Hermanas, na tampok ang nagbabalik-Kapuso drama actor na si Albert Martinez, with Yasmien Kurdi, Faith da Silva at Thea Tolentino.      Nagmula raw ang rumors  sa lock-in taping ng kanilang serye, between Albert and Faith.     Kaya nang […]

  • 34M SIM, naka-rehistro na sa telcos-DICT

    TINATAYANG umabot na sa 34 milyong SIM  sa buong bansa ang nakarehistro na ngayon sa kani-kanilang  public telecommunications entities (PTEs).     Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT), Undersecretary Anna Mae  Yu Lamentillo, may kabuuang  34,483,563 SIM  na ang nakarehistro “as of February 19”,  sinasabing 20%  lamang ito ng 168,977,773 SIM sa […]