Bago mag-compete sa Miss Universe sa El Salvador: MICHELLE, tinapos muna ang reservist training sa Philippine Air Force
- Published on October 5, 2023
- by @peoplesbalita
BAGO lumipad for El Salvador para sa Miss Universe pageant si Michelle Marquez Dee, tinapos niya muna ang kanyang reservist training sa Philippine Air Force noong nakaraang September 30.
Isa raw sa goal ni Miss Universe Philippines 2023 ay ang maging civilian reservist dahil ayon kay Michelle, “it is one of the highest forms of love for your country.”
Naganap ang graduation rites ni Michelle sa Philippine Air Force Villamor Air Base. Pagka-receive niya ng kanyang certificate for completing her Basic Citizen Military Training under the Philippine Air Force Reserve, pinost niya ito sa Instagram at ang caption ay “Sgt. Michelle Dee at your service.”
Sa November 18 na ang Miss Universe pageant sa El Salvador. Maraming baon na achievements si Michelle na puwede niyang ikuwento sa pageant.
Bukod sa pagiging actress, model, host, beauty queen, and reservist, advocate siya for autism awareness and LGBT+ rights.
***
NAGBABALAK sina Taylor Swift and Travis Kelce ng magsuot nv coordinating costumes sa Halloween.
Ayon sa Daily Mail’s insider, plano ng multi-award winning singer at ng NFL star na maging sina Barbie and Ken for Halloween.
“The whirlwind that this relationship has started is something that Taylor is familiar with, and Travis is OK with. Kelce wants to get in as much time as possible with her before she embarks on her international tour,” sey ng source.
Baka nga raw maging special guests ang dalawa sa annual Halloween bash ni Heidi Klum.
Sey ng source: “Swift and Kelce haven’t 100 percent made their decision to attend, but they are feeling it all out and playing with the idea of going red carpet official at the supermodel’s bash.”
Wala pang comment ang reps nila Kelce and Swift tungkol sa balitang ito.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Fernando, hinikayat ang mga Bulakenyo na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata
LUNGSOD NG MALOLOS – Hinikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang lahat ng Bulakenyo na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata sa pamamagitan ng pakikiisa sa Orange Day Campaign sa Nobyembre 25, 2021 na hudyat ng pagsisimula ng “18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW)” alinsunod sa Proklamasyon 1172, T’06 mula Nobyembre 25 […]
-
Ads June 22, 2023
-
Ads October 21, 2021