Bago pa ang inihaing arrest warrant na may kinalaman sa kanyang war on drugs: Dating PRRD, walang ginawang mali, walang maalalang kasalanan
- Published on March 12, 2025
- by Peoples Balita
HAYAGANG itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na may ginawa siyang mali o kasalanan nang ikasa niya ang kanyang kampanya hinggil sa war on drugs.
Sa naging panayam ng Sonshine Media Network International (SMNI), isang broadcast media arm ng Kingdom of Jesus Christ na pinangunahan ng Filipino televangelist Apollo Quiboloy, ang ibig niyang sabihin sa wala siyang kasalanan ay “Wala akong maalala na ginawa kong kasalanan. Marami akong ginawa na hindi nagustuhan ng iba or maybe lahat but I did it for my country.”
Kaya nga aniya hindi siya nangangamba sa mga naririnig niyang balita lalo na ang sinasabing arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.
“No. Im old for that actually. Even you kill me now, totoo talaga, truly it does not scare me a bit. Hindi naman ako magpasalamat pero ikaligaya ko na lang na magpahinga na,” ang sinabi nito sa nasabing panayam.
Sa kabilang dako, tila nag-joke naman si Digong Duterte nang sabihin nito na nakahihiya na may 7,000 ang pulis ang ipinakalat upang magsilbi ng warrant of arrest laban sa kanya.
“Nakakahiya naman iyan. Pakisabi naman sa kanila na dagdagan nila ng few more. Mag-recruit sila sa probinsiya. Come to think of it, bakit gawain nila sa bayan ko at sa akin mismo? Am I worth the toil of the police? At ako presidente noon may gagawin akong kalokohan? If they want to arrest me, I will go to them. Hindi na ako kailangan. Nag-presidente ako, naging prosecutor ako. Ano bang nakain nila? All they have to do is to call me and say, ‘Come here because there’s a complaint against you or there’s a valid summons whatsoever from the court.’ Bakit mo pa dramahin sa akin ‘yung ganun?,” ang pahayag ni Mr. Duterte.
“Matanong nga. Sometimes ito nangyayari talaga. what would be ….. reason for marshalling 5000 or 7000? Bakit pagurin mo ‘yung Pilipino? Na isa lang man ang kailangan ko na maski isang patrolman diyan sa airport mag-abang. Hindi ako ganu’n maglaro nang patago-tago diyan. Naging presidente ako. So, sinong taguan ko? Pulis? Army? Sino? ICC?,” ang pahayag pa rin nito.
Sinabi pa ng Pangulo na matagal na niyang hinihintay ang aksyon ng ICC.
Sa katunayan nga aniya ay vice-mayor pa lamang siya ng Davao ay aware na siya sa usapin ng ICC.
“Ngayon ICC na iyan. Pabaliktad. hindi ko kayo hinahamon pero you have been doing it…. on it for so long a time. Can you just please try once more this time with the action and candor? So, magkita tayo. Crimes against humanity man kaya? Pati ‘yung hindi ninyo nasali na pinatay ni Hitler.. Idagdag mo na sa akin. “yung nakalimutan ninyo na listahan ko. or the unsolved massacre around the world. Charge it on me because isang impyerno lang ito, walang anuman ‘to,” ang diing pahayag ng dating Pangulo. (Daris Jose)
-
Steph Curry inangkin ang ika-2 NBA scoring title
Napasakamay ni Stephen Curry ang kanyang ikalawang NBA scoring crown habang inangkin ng Portland Trail Blazers ang No. 6 berth sa Western Conference playoffs sa pagtatapos ng regular season games. Sa San Francisco, nagpasabog si Curry ng 46 points sa 113-101 pagbugbog ng Golden State Warriors (39-33) sa Memphis Grizzlies (38-34) para kunin […]
-
Makakasama sina Gabbi, Sanya at Kylie: SUNSHINE, balik-Kapuso na after ng isang project sa Kapamilya network
MATAPOS ipaghanda at imbitahan ni Bea Alonzo sa isang merienda-dinner para sa kanilang Aeta neighbors sa Beati Farm sa Iba, Zambales, pinaratangan pa siya ng isang netizen na may Twitter account na @ALOyoutoo. Inagaw raw niya ang lupa na pag-aari ng mga katutubo at tweet nito, “That’s nice, now how about giving their […]
-
WANTED SA MAYNILA INARESTO SA LEYTE
LUMUWAS pa sa Southern Leyte ang Manila Police Distric (MPD) upang isilbi ang isang warrant of arrest sa isang lalaki na wanted sa pananaksak sa Tondo. Kinilala ang suspek na si Benjie Caballegan, nasa hustong gulang, sa San Juan Southern Leyte noong Nob.25 . Taong 2021 nang mangyari ang insidente sa […]