• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bago sana manghuli ayusin muna ang sistema ng RFID!

NGAYON pa lang ay may matinding babala ang ilang opisyal na huhulihin daw ang walang RFID. Tuloy imbes na magdulot ng ginhawa sa paglalakbay ang RFID ay kalbaryo ang nararanasan ng mga motorista. Pagdating daw ng Disyembre 2, 2020, ay huhulihin na ng mga awtoridad ang walang RFID.

 

Ang RFID sticker ay kailangan lang kapag dadaan sa mga tollways. Kung hindi ka naman dadaan ay hindi kailangan na may RFID sticker ang sasakyan mo at hindi ka dapat hulihin. At sa pagsapit ng Disyembre 2, 2020, ay maaari ka pa rin mapakabit ng RFID dahil walang deadline ang pagpapakabit. Ang deadline lang ay dahil hindi na tatanggap ng cash sa tollway.

 

Pero sana bago pagdiskitahan ang walang RFID sa tollway ay AYUSIN muna ang mga CONCERNS ng mga motorista. Isa dito ay ang interoperability ng mga RFID stickers. Magkaibang dambuhalang negosyante ang may kontrata ng mga tollway kaya tuloy iba ang sticker ng bawat isa. Dapat din tingnan ng DoTR ang mga hinaing ng mga motorista tungkol sa RFID tulad ng late activation; ang pagkain ng load ng kanilang stiker; hindi pagbasa ng stiker sa mga tollgate; at marami pang iba. Nauunawaan natin na dahil bago pa lang ang RFID system dito sa atin sa Pilipinas ay may mga problema pang dapat ayusin. Kaya naman dapat hindi muna panghuhulo ng violations ang atupagin kundi ang mga problema na idinudulog ng mga motorista tungkol sa bagong sistema na ito. Kung may deadline ang DoTR sa nga motorista dapat ay may deadline din sila sa kanilang sarili sa pag-aayos ng sistema ng RFID bago pa man ang hulihan.

 

Huli huli agad? Kaya tuloy nahuhuli tayo sa pag-angat. Kaya ang tanong – kailan ang deadline ng DoTR na maayos ang sistema ng RFID? (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Ardina bumawi sa ST 2nd leg, biniyayaan ng P221K

    NASIRA si Dottie Ardina sa third at final round sa likod nang malamyang four-over par 74 pa-three-under 213 aggregate upang humilera anim para sa ikalimang puwesto na may $4,558 (₱221K) bawat isa sa pagtiklop nitong Lunes ng 16th Symetra Tour 2021 second leg – $150K IOA Championship – sa Morongo Golf Club-Tukwet Canyon sa Beaumont, […]

  • Halos 3-K flights suspendido dahil sa winter storm

    AABOT sa halos 3,000 na flights ang kinansela ng US airlines dahil sa malakas na winter storm na may dalang makapal na yelo ang bumabalot mula Midwest at South.     Labis na naapektuhan ang Chicago O’Hare airport kung saan mayroong 164 flights ang nakansela.     Nasa halos 90 porsiyento naman ng scheduled flights […]

  • P154 B railway project bukas sa PPP

    MULING naging interesado ang mga pribadong sektor na mag-invest sa dalawang proyekto sa railways na nagkakahalaga ng P154 billion sa ilalim ng public-private partnership (PPP).     “The policy shift to PPP could pave the way for private proponents of the East-West rail project and the Metro Rail Transit Line 11 (MRT-11) project to pursue […]