• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bago sumabak sa pagluluto ng handa sa Bagong Taon: JUDY ANN, pinalakpakan sa paandar na target shooting

TULAD ng nakaugalian na ng kanilang pamilya ay sa bahay-bakasyunan nila sa Batangas sinalubong nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, with kids Yohan, Lucho and Luna, ang Bagong Taon.

 

 

Kasama ang halos buong pamilya nila on both sides, tulad ni Mommy Carol Santos ni Judy Ann at ilang piling kaibigan, ilang araw namalagi sa Batangas ang grupo.

 

 

At tulad rin na ng nakasanayan niya, si Judy Ann mismo ang nagluto at naghanda ng mga putaheng kanilang pinagsaluhan sa media noche at mismong New Year’s Day.

 

 

Pero bago siya sumabak sa pagluluto, may paandar si Juday; nag-target practice muna siya sa malawak nilang beachfront na bahay at dahil sanay naman si Juday sa mga action scenes sa mga projects na nagawa na niya in the past (tulad ng ‘Basta’t Kasama Kita’ at sa guesting niya sa ‘FPJ’s Ang Probinsiyano’), isang kalabit lang ni Juday sa baril ay tinamaan niya agad ang bull’s eye!

 

 

Kaya naman bonggang hiyawan at malakas na palakpakan ang naging reaksyon ng mga kasama ni Juday dahil sa husay niyang bumaril.

 

 

Nasa Instagram account niya ang video n may caption na, “Wait lang bub… tirahin ko lang to sandali bago ko magluto.”

 

 

“Bub” ang term of endearment nina Juday at Ryan sa isa’t-isa.

 

 

***

 

 

NAGING bahagi ng buhay ni Mark Bautista sa nakaraan ang pamosong kuwento na lumuwas siya ng Maynila mula Cagayan de Oro para mag-audition sa ‘Star For A Night’ sakay ang isang cargo vessel dahil wala silang pera ng kapatid niya para bumili ng tiket sa eroplano.

 

 

At tulad ng alam nating lahat, nagtagumpay si Mark at isa na sa maituturing na pinakasikat at pinakamahusay na male balladeer sa Pilipinas.

 

 

At nitong Bagong Taon, sa Siargao nagbakasyon si Mark at sa kanyang pamamasyal sakay ang isang barko ay may nadaanan siyang cargo ship na kapareho ng sinakyan nila noong hindi pa siya sikat.

 

 

Kaya naman nagbalik-tanaw si Mark kanyang pinagdaanan sa kanyang Facebook page kalakip ang larawan ng cargo ship at caption na…

 

 

“Nagflash back sakin upon seeing this cargo ship (2nd slide) ganito sinakyan namin ng brother ko noon for 2 and half days going to Manila (dahil mahal ang plane ticket )just to audition for the singing contest (Star For A Night) and now it’s more than 20 years and it made me question-what if i didn’t take that chance? what if i didn’t risk chasing my dream? It would’ve been a different story by now but thinking about it now, masasabi ko lang it was the best decision i made & i couldn’t be anymore grateful. God really works in so many ways that’s fit and good for you. ”

 

 

***

 

 

BONGGA ang mga Hari ng Kapuso at Kapamilya Network dahil pareho silang sinalubong ng isang acting award ngayong Bagong Taon.

 

 

Parehong nagwaging Best Actor sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual sa katatapos lamang na 2022 TAG Awards Chicago.

 

 

Wagi si Dingdong bilang Best Actor para sa GMA mini-series na ‘I Can See You: AlterNate’ at win naman si Piolo para sa ‘Flower of Evil’ ng ABS-CBN sa awards night na ginanap nito lamang December 31.

 

 

Mula sa TAG MEDIA, ang nabanggit na award giving body ay kumikilala at nagpapahalaga sa mga achievement ng mga celebrity at influencer sa larangan ng entertainment, entrepreneurship at social media.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Inamin na naiinip na ang Kuya Jak niya: SANYA, malinaw na ang mga mata pero hirap pa ring makikita ng dyowa

    SA inauguration at ribbon-cutting ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center sa BGC, Taguig City last April 26, nakatsikahan namin ang mga ambassadors na sina Ellen Adarna at Sanya Lopez.     Pareho silang sumailalim sa lasik surgery kaya naman malinaw na malinaw na ang kanilang mga mata. Inamin si Sanya na noong una ay […]

  • Holdaper na sumapak at sumaksak sa tindera sa Valenzuela, kalaboso

    SHOOT sa selda ang isang holdaper na sumapak at sumaksak sa biniktima niyang tinder ng ‘ukay-ukay’ nang masapol sa kuha ng CCTV camera ang kanyang pagtakas sa Valenzuela City.     Sa ulat ni P/Col Salvador Destura Jr, hepe ng Valenzuela City Police Station kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagpanggap na […]

  • Proklamasyon para sa regular holidays at special non-working days sa 2023, inamyendahan

    NAG-ISYU ang Malacanang ng proklamasyon na nag-aamyenda sa unang proclamation number 42 na nagdideklara para sa regular holidays at special non working days para sa susunod na taon.     Sa ilalim ng Proclamation Number 90 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa petsang November 11, 2022, binigyang diin na may pangangailangang mag-adjust ang […]