• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong album ni Taylor Swift na “Evermore”, umani ng bonggang review mula sa Rolling Stone magazine

Thankful si Alfred Vargas na nagkaroon siya ng pelikula sa Metro Manila Film Festival. 

 

Una niyang MMFF entry ay ang Bridal Shower in 2004 na dinirek ni Jeffrey Jeturian at ang huli ay ang Banal in 2008 na dinirek ng the late Cesar Apolinario.

 

Isang taon na raw natapos ang latest MMFF official entry na Tagpuan na kinunan sa New York, Hong Kong at dito sa Manila. Dahil sa COVID-19 pandemic, hindi natuloy ang dapat na summer MMFF kunsaan official entry ang Tagpuan.

 

“September 2019 pa namin natapos yung movie. Kaya ready na sana ito ipalabas last April pero nagkaroon ng pandemic. Panay ang dasal namin na sana ma-release na namin ito kasi ang ganda ng movie. Nataon naman na isa ang Tagpuan sa napili for the 2020 MMFF,” sey ni Alfred.

 

Bilang producer ng movie under Alternative Vision Cinema, wish ni Alfred na kumita ang movie sa pagpapalabasan nitong streaming platform.

 

“Lahat naman ng producer yun ang gusto. Para siyempre, may pang-produce ka ulit ng bagong project. I feel positive sa movie namin at ibang klaseng love story ito,” diin ni Alfred.

 

Isa pang wish ni Alfred ay manalo ng award ang dalawang co-stars niyang sina Iza Calzadon at Shaina Magdayao.

 

“I’ve worked with Iza ilang beses na at magaling pa rin siya. Nagulat ako kay Shaina. This is my first time working with her at ang husay niya. Sana ay manalo silang dalawa.”

 

*****

 

Kinabog ni Kiray Celis ang mga nagtatamis-tamisan na couples sa social media dahil sa pag-post nito ng mga pinadala sa kanyang regalo ng non-showbiz boyfriend niyang si Stephan Estopia sa lock-in taping ng Owe My Love.

 

Hindi kasi nagkasama ang dalawa noong first anniversary nila dahil bawal lumabas si Kiray sa lock-in taping nila.

 

Kaya nagpadala na lang si Stephan ng bouquet of roses at chocolates para sa kanyang ladylove.

 

“Aba aba aba! May paandar naman pala! Nagulat ako may tumatawag. Delivery daw sa baba ng taping namin galing daw kay Stephan Estopia. Ayyysuuus naman! Thank you daddy! Super understanding mo. First anniv natin asa work ako. Pero iniintindi mo tapos sinurpresa mo pa ako. Thank you. Ikaw na! Hanggang simbahan na ‘to. Chos!” post ni Kiray sa Instagram.

 

Nagpa-deliver naman si Kiray ng cake kay Stephan.

 

“Wala na ‘kong masasabi sa kabaitan mo, sa pag-aalaga mo, sa pagmamahal mo, sa pag-iintindi mo. Saludo ako sa ‘yo. Salamat sa lahat dad. Worth it lahat ng nangyari sa buhay ko kasi binigay ka ni Lord sa ‘kin. Sobra akong nagpapasalamat sa Kanya kasi nakilala kita. Bonus na lang ‘yung naging akin ka,” post pa ni Kiray sa IG.

 

*****

 

Umani ng bonggang review mula sa Rolling Stone magazine ang bagong album ni Taylor Swift na “Evermore”.

 

Sinorpresa ni Taylor ang kanyang fans sa pag-drop ng 9th studio album niya last December 12. Kasalukuyang namamayagpag pa sa album charts ang album niyang Folklore na ni-release last July. Nakakuha ang naturang album ng six nominations sa Grammy Awards 2021.

 

Ayon sa review ng Rolling Stones: “Swift and her team had even more freedom to do whatever they wanted, and it reflects back in the music. She’s working here again with Aaron Dessner, Jack Antonoff, and Bon Iver’s Justin Vernon, and although Folklore’s moody, “indie”-inspired sound is still the dominant feature of Evermore, there’s room for more variety and experimentation this time around.

 

“It’s a refreshing change of pace: Swift’s usual approach to dabbling in new genres or sounds is to go balls-to-the-wall, but on Evermore, she’s just as good at curating these more detailed production flourishes, all with the same contouring and meticulousness as she does with her best lyrics.

 

“No doubt Swift is still the master of writing a spiteful kiss-off, but the songs of Evermore are a welcomed step in a more mature direction, the result of months and months of her getting lost in the woods and questioning her way forward. By the time you’re reading this, she may have already found the answer.” (Ruel J. Mendoza)

Other News
  • Utos ni PBBM sa PCG, imbestigahan ang ang nangyaring banggaan sa Ayungin Shoal

    PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard (PCG)  ang nangyaring pagbangga ng China Coast Guard (CCG) sa  maliit na barkong kinontrata ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa resupply mission sa Ayungin Shoal, ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS)     Nauna rito, nagpatawag si […]

  • Go with the flow na lang sila ni Mikael: MEGAN, ‘di nilalagyan ng date kung kailan mabubuntis

    MAHIGIT tatlong taon ng mag-asawa sina Megan Young at Mikael Daez, January 25, 2020 sila ikinasal, kaya naman hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng publiko kung kailan sila magkakaroon ng anak.   “Eto na… hintayin niyo pa lalo,” ang bulalas ni Megan.   “Hindi mo nilalagyan ng date ang mga ganyan, nangyayari lang talaga. […]

  • Yulo binalikan ang pinagsanayang gymnastics club

    NASA Japan ngayon si Paris Olympic Games double-gold medalist Carlos Edriel Yulo upang magpasalamat sa mga tumulong sa kaniya upang maabot ang pangarap.   Binisita ni Yulo ang Tokushukai Gymnastics Club kung saan nakasalamuha nito ang mga gymnasts na nag­sasanay doon.   Isa ang Tokushukai Gymnastics Club sa mga huma­sa sa kakayahan ni Yulo.   […]