BAGONG BASECO ESPLANADE BUBUKSAN
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
BUBUKSAN sa Maynila ang bagong “Baseco Esplanade” matapos ang tuloy-tuloy na total make over sa “Basura Beach” sa Maynila.
Sinabi ni Manila Mayor Frqncisco “Isko Moreno” Domagoso ,ang dating bay na puno ng Basura sa Baseco ay malinis na ngayon at hindi na “eyesore”, gayundin ang coastal area nito.
“Tulong-tulong po ang Department of Public Services (DPS) Baseco Beach Warriors, Metropolitan Manila Development Authority at Department of Environment and Natural Resources sa cleaning operations. Hindi po tayo matatapos dito. Tuloy-tuloy lang ang ating pagkilos hanggang sa makamit natin ang isang maunlad, maganda at panatag na Maynila. Soon, we will develop the new Baseco Esplanade,” paniniyak ni Moreno sa residente ng Baseco.
Nabatid na nilagyan na rin ng lampposts ang baywalk area para maging maliwanag sa gabi at maging ligtas ang mga namamasyal sa bisinidad ng Baseco beach.
Nalaman ba inatasan ni Moreno si city engineer Armand Andres at city electrician Engr. Randy Sadac para i-recycle ang mga lampposts na tinanggal sa kahabaan ng Espana Boulevard sa Sampaloc.
“Ayoko pong sayangin ang pera niyong pinambili dito. May value pa naman po, sayang kung itatapon lang. Kaya po ini-atas ko na ayusin ang mga nasabing mga poste ng ilaw,” ayon kay Moreno.
Nabatid na ang Baseco area ay ginamit bilang dockyard ng National Shipyards and Steel Corp. Noong 1960’s.
Ang NASSCO ay binili ng Romualdez family via Bataan Shipping and Engineering Co. kung saan nagmula ang tawag sa lugar na Baseco.
Noong 1980’s, ang Baseco ay naging barangay ar rinirhan ng mga informal settlers hanggang dumagsa ang malaking bilang ng tao sa lugar na mga nagtayo ng mga barung barong kahit sa bundok ng basura.
Bago ang isinagawang reclamation ng kahabaan ng Roxas Boulevard na dati ay beach at ang Baseco beach na lamang ang natira sa dating beach na ibinabalik naman ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila. (GENE ADSUARA)
-
Pfizer at BioNTech pumayag na babakunahan ang mga atleta na sasabak sa Tokyo Olympics
Nagsama ang Pfizer at German company na BioNTech SE na magdonate ng ilang doses ng kanilang COVID-19 vaccine para maturukan ang mg atleta kasama ang kanilang delegasyon na dadalo sa Tokyo Olympic at Paralympic Games. Ayon sa kumpanya na darating sa mga delegasyon ang unang dose ng bakuna hanggang sa katapusan ng Mayo. […]
-
From the director of “Ju-On,” Takashi Shimizu’s latest horror film “SANA: Let Me Hear” hits Philippine cinemas
A decades-old mystery resurfaces in “SANA: Let Me Hear”, the latest horror masterpiece from renowned director Takashi Shimizu, the mind behind “The Grudge (Ju-On).” Prepare yourself for a chilling journey into the unknown when the film hits Philippine cinemas on November 13. Set in 1992, SANA: Let Me Hear opens with a fatal […]
-
Three months after na masagasaan ng snowplow: JEREMY RENNER, nakatatayo na at gumagamit na ng treadmill
SOBRANG seloso pala ang boyfriend ni Jasmine Curtis Smith na si Jeff Ortega. Sa pitong taon daw na may relasyon sila, nauunawaan na raw ni Jasmine ang pagiging seloso ni Jeff. Kaya tuwing meron sila ‘di napag-uunawaan, nagiging honest agad si Jasmine sa pagsabi kay Jeff kung ano ang diperensya nito. “Mas na-practice […]