• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAGONG BI CHIEF, NANGAKO NG MGA BAGONG REPORMA SA AHENSIYA

IKINAGALAK ng Bureau of Immigration (BI) si Atty Joel Anthony M. Viado bilang bagong Commissioner.

 

 

Italaga si Viado bilang officer-in-charge noong nakaraang buwan kung saan dati siyang Deputy Commissioner simula pa noong April 2023 kasama sina Deputy Commissioners Daniel Laogan at Aldwin Alegre.

 

 

Bilang Abogado, na may sapat na kaalaman sa immigration laws, suportado nito ang pagpasa ng bagong immigration law na papait sa 84-year-old na Philippine Immigration Act.

 

 

“The Bureau is fully supportive of the President’s initiative to prioritize a new immigration law, which will enhance our operations and allow us to serve the public more effectively,” ayon kay Viado.

 

 

Buukod sa pagsusulong sa legislative reform, sinabi rin nito ang kahalagahan ng paglaban sa korupsyon sa ahensiya.

 

 

“We will take advantage of the aggressive thrust of the national government in terms of ICT,” dagdag pa ni Viado.

 

 

Sinabi rin nito na prayoridad sa kanyang pamamahalaa ang digital systems at makikipagtulungan din siya sa Department of Justice para sa iakabubuti ng ahensiya.

 

 

Papag-aralan din niya ang kasalukuyang polisiya at mga procedures para matukoy ang mga inefficiencies at matanggal ang mga redundancies.

 

 

Nagtapos siya ng Political Science degree mula sa University of the Philippines Diliman, kung saan ngtapos din siya ng kanyang law degree. Viado at pumasa ng Philippine Bar noong 1999. GENE ADSUARA

Other News
  • Utang ng bansa, lumobo pa sa P15.35T

    INIULAT ng Bureau of Treasury na lumobo pa ang utang ng Pilipinas sa P15.35T as of May ng kasalukuyang taon.       Ayon sa ahensya, ang kabuuang utang ay tumaas ng P330.39 bilyon o katumbas ng 2.2 percent sa katapusan ng April 2024.       Ito ay dahil na rin sa epekto ng […]

  • Ngayong pinasok na ang pagiging producer: LOVI, grateful sa support na nakukuha sa Regal Films

    GUMAGANAP na Atty. Alexis Miranda si Lovi Poe sa pelikulang ‘Guilty Pleasure’ kasama bilang leading men sina JM de Guzman at Jameson Blake, at sina Dustin Yu, Angelica Lao at Sarah Edwards.   Mula ito sa direksyon ni Connie Macatuno at panulat ni Noreen Capili.   Palabas na ito sa mga sinehan, mula sa Regal […]

  • PNP Chief Debold Sinas nagpositibo sa COVID-19

    Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa Covid-19 virus si PNP Chief Gen. Debold Sinas.     Sa isang sulat na inilabas mula kay NP Chief, kaniyang kinumpirma na nagpositibo siya sa virus batay sa RT-PCR swab test na inilabas ng PNP Health Service kaninang umaga, March 11,2021.     Sa unang tatlong […]