• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong CA Justice, isang Malacanang official

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senior Deputy Executive Secretary Michael Pastores Ong, isang Malacanang official bilang bagong Associate Justice ng Court of Appeals.

 

 

Pinalitan ni Ong si Samuel Gaerlan na ngayon ay SC Associate Justice

Si Ong , nagsilbi ng 15 taon sa gobyerno ay pinangalanan bilang bagong associate justice base sa transmittal ng kanyang appointment letter sa Supreme Court.

 

 

Nanumpa sa kanyang tungkulin si Ong sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo, kahapon, araw ng Huwebes.

 

 

Si Ong ay isang economics degree holder mula sa ADMU at bahagi ng College of Law Class of 2002.

 

 

Unang nagsilbi si Ong bilang court attorney para kay dating Supreme Court Associate Justice at Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

 

 

Isa rin siyang corporate legal counsel ng PNOC Exploration Corporation.

 

 

Kasama si Ong sa Office of the President noong panahon ng administrasyon ng namayapang Pangulong Benigno Aquino III.

 

 

Nagsilbi rin siya sa Office of the Chief Presidential Legal Counsel at pagkatapos ay sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.

 

 

Siya rin ay naging Deputy Executive Secretary for General Affairs bago pa itinalaga bilang Senior Deputy Executive Secretary noong 2018.

Other News
  • 18-anyos na Top 1 most wanter Navotas, timbog

    ARESTADO ang isang 18-anyos na murder suspect na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa Navotas City nang bumalik sa kanyang tirahan makalipas ang dalawang buwan pagtatago sa Navotas Fish Port Complex (NFPC).   Ayon kay Navotas police chief P/Col Rolando Balasabas, alas-2:10 ng hapon nang isilbe ng mga elemento ng Warrant and Subpoena Section […]

  • Marcos sa political dynasties: ‘Kung gusto maglingkod, hindi mapipigilan’

    KAHIT BAWAL sa Article II Section 26 ng 1987 Constitution ang political dynasties, ipinipilit ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi dapat pigilan ang sinumang gustong pumasok sa serbisyo publiko — pwede naman daw kasi mawala ang political clans kung ‘di na iboboto ng tao.     “You cannot stop people from wanting […]

  • Ibang pasahero ng PUJs kusang nagbabayad ng P10

    MAY MGA  pasahero ng public utility jeepneys (PUJs) ang bulantaryong nagbabayad ng P10 bilang pamasahe upang bigyan ng suporta ang mga drivers at operators na nakararanas ng paghihirap dahil sa tumataas na presyo ng krudo.     Ayon sa Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) may ibang mga pasahero na […]