• September 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ibang pasahero ng PUJs kusang nagbabayad ng P10

MAY MGA  pasahero ng public utility jeepneys (PUJs) ang bulantaryong nagbabayad ng P10 bilang pamasahe upang bigyan ng suporta ang mga drivers at operators na nakararanas ng paghihirap dahil sa tumataas na presyo ng krudo.

 

 

Ayon sa Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) may ibang mga pasahero na kung P10 ang kanilang binayad ay hindi na kinukuha ang kanilang sukli kahit na hindi pa aprobado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang petisyon sa pagtataas ng minimum na pamasahe.

 

 

“Accordingly, some passengers, in consideration of the rising prices of petroleum products, they don’t ask for the P1 change and drivers are not forcibly asking for P10 from passengers. Passengers are the ones being considerate,” wika ni FEJODAP president Ricardo Rebano.

 

 

Subalit mayron din naman na mga drivers na humihingi na ng P10 na pamasahe kahit na hindi pa aprobado ng LTFRB ang kanilang petisyon.

 

 

Samantala, nagbabala naman si LTFRB executive director Tina Cassion sa mga jeepney drivers at operators na huwag magcharge ng mataas na pamasahe hanggang hindi pa naaaprobahan ang kanilang petisyon.

 

 

“If this is committed, they can be fined for overcharging commuters. Overcharging is considered a breach of franchise. Violators will be fined P5,000 for the first offense, P10,000 for the second offense and P15,000 for the third offense as well as suspension or revocation of franchise,” wika ni Cassion.

 

 

Para sa mag pasahero na nakaranas ng overcharging maaari silang maghain ng complaint sa LTFRB sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline ng LTFRB 1342.

 

 

Mananatiling P9 pa rin ang minimum na pamasahe hanggang hindi pa binibigyan ng aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga public utility jeepneys (PUJs) na P10 bilang provisional na pamasahe.

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na humingi ang mga transport groups na itaas ang pamasahe mula sa P9 upang maging P10 kung saan ang petisyon ay “submitted for resolution by the board.”

 

 

Ang Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), 1-UTAK, Pasang Masda and Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) ang mga naghain ng petisyon para sa pagtataas ng pamasahe sa mga PUJ sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon dahil sa tumataas na presyo ng krudo.

 

 

“The said transport groups asked for a provisional increase of P1 while the agency is hearing their main petitions seeking a P5 increase in the minimum fare of jeepneys,” dagdag ni Cassion.

 

 

Kung maaaprobahan ang nasabing petisyon, ang pamasahe sa jeepney ay magiging P15 mula sa dating P9 o 66 percent na pagtaas. . LASACMAR

Other News
  • 1.1 milyong passport slots hanggang Disyembre, binuksan

    NAGBUKAS  ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mas maraming passport appointment slots simula ngayong linggo hanggang Disyembre 2022.     Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi bababa sa 800,000 slots ang ginawang available bilang bahagi ng pagsisikap ng DFA na pahusayin ang kasalukuyang serbisyo ng consular.     Plano rin ng […]

  • PCO, lalagda ng MOU sa partner agencies para labanan ang disinformation, misinformation

    HANDA na ang  Presidential Communication Office (PCO) na ipatupad ang Media and Information Literacy (MIL) Campaign Project ng administrasyong Marcos.     Sa katunayan, magkakaroon ito ng ceremonial signing ng  Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang mga  partner agencies sa darating na Lunes, Agosto 14, 2023.     Ang aktibidad ay gagawin sa Hilton Manila […]

  • JOHN, tinatawag na bilang ‘National Actor of the Philippines’ dahil sa Volpi Award for Best Actor

    SI John Arcilla ang ginawaran ng GEMS Hiyas ng Sining ng highest award bilang actor sa 6th GEMS Awards.     Last Monday ay inilabas na ng GEMS ang mga winners para sa kanilang taunang parangal.     Dahil sa panalo ni John ng Volpi Award for Best Actor sa Venice International Film Festival kaya sa […]