• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong campaign logo ni Robredo, lahat ng kulay welcome

“KAHIT ano pa ang kulay mo, kung ikaw ay para sa pag-usad ng ating bansa sa ilalim ng isang gobyernong tapat, welcome ka!”

 

 

 

Ito ang sinabi ni Erin Tañada, senatorial campaign manager ng Robredo camp, matapos ang paglulunsad ng bagong campaign logo na nag­dedeklarang hindi na lamang iisa ang kulay nila kundi isa nang rainbow coalition na nagbubuklod sa mga mamamayan ano man ang antas sa buhay.

 

 

 

Kaya naman aniya ay inilabas na ng Robredo campaign team ang isang “multicolored flower” na logo bilang simbolo ng pagkakaisa kahit may pagkakaiba sa ilalim, ng isang tunay na people’s campaign.

 

 

“Kahit ano pa ang kulay mo, kung ikaw ay para sa pag-usad ng ating bansa sa ilalim ng isang gobyernong tapat, welcome ka!”

 

 

Ito ang sinabi ni Erin Tañada, senatorial campaign manager ng Robredo camp, matapos ang paglulunsad ng bagong campaign logo na nag­dedeklarang hindi na lamang iisa ang kulay nila kundi isa nang rainbow coalition na nagbubuklod sa mga mamamayan ano man ang antas sa buhay.

 

 

Kaya naman aniya ay inilabas na ng Robredo campaign team ang isang “multicolored flower” na logo bilang simbolo ng pagkakaisa kahit may pagkakaiba sa ilalim, ng isang tunay na people’s campaign.

 

 

“The big switch to our favor has been going on. At marami pa kaming inaasahang pagsasanib puwersa sa mga susunod na araw bago ang Mayo 9,” dagdag pa niya.

 

 

Iniuugnay niya ang mga paglipat na ito sa mahusay na “groundwork” ng mga “happy volunteers” ni Robredo at ang mas maayos na plataporma nito.

 

 

“Kasama na rin diyan ang big crowds. ‘Yung positive vibe is infectious. Kaya pagkatapos ng rally, uuwi sa kanilang pamilya at lugar na may hatid na kuwento ng pag-asa. And this is when conversion begins,” paliwanag ni Tañada.

 

 

 

Kasama rin aniya dito ang pagsama ng mga celebrities sa house-to-house campaign, pati sa mga rallies at caravan, na buong buo ang suporta kay Robredo.

Other News
  • KIM, JERALD at CANDY, nag-share ng kanilang experiences tungkol sa mahahabang gabi; riot ang muli nilang pagsasama sa movie

    SA digital media conference ng Sa Haba Ng Gabi na streaming na sa October 29 sa Vivamax, natanong ang mga bida sina Candy Pangilinan, Jerald Napoles at Kim Molina tungkol sa hardest and longest night na na-experience nila.     Dahil pareho ang sagot ng magdyowang Kim at Jerald, ang aktres na lang ang nagbigay […]

  • ₱33M halaga ng imprastraktura at 868 kabahayan napinsala ng lindol sa Abra

    TINATAYANG umabot na sa  868 kabahayan sa Cordillera Administrative Region ang napinsala ng magnitude 7 na paglindol na tumama at umuga sa lalawigan ng Abra.     Bukod dito, may  ₱33 milyong halaga naman ng imprastraktura sa tatlong iba pang rehiyon ang napinsala rin ng nasabing paglindol.     “There is no estimate yet on […]

  • Most wanted person, nasilo sa Valenzuela

    ISANG 57-anyos na mister na listed bilang most wanted ang nasakote sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Primitivo Sardoma, 57 ng No. 59 B. Elysian Subdivision, Brgy. Marulas.     Sa ulat ni […]