• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong cease and desist order ng NTC vs ABS-CBN, ‘di makakaapekto sa franchise hearing – House leader

Nilinaw ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado na hindi makakaapekto sa magiging desisyon ng Kamara sa franchise bid ng ABS-CBN ang inilabas na alias cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

 

Ito ay matapos na ipinahinto kahapon ng NTC ang broadcast operations ng Sky Direct pati na rin ang digital television transmission ng ABS-CBN sa TV Plus gamit ang Channel 43.

 

Sa isang panayam, sinabi ni Alvarado na tanging sa mga gumagamit lamang sa naturang serbisyo ang maapektuhan ng cease and desist order ng NTC pero walang implikasyon naman sa mga pagdinig na isinasagawa ng Kamara sa 25-year franchise bid ng ABS-CBN.

 

Iginiit ni Alvarado na wala namang pagkakaiba nang pagkakaroon at kawalan ng ceased and desist order dahil Mayo 5 pa lamang ay paso na aniya ang prangkisa ng media giant.

 

Kahapon inilabas ng NTC ang alias cease and desist order habang tinatalakay sa Kamara ang ilang issue na kinakaharap ng network.

 

Kinuwestiyn ng ilang mga kongresista ang patuloy na pag-ere ng ABS-CBN ng kanilang mga palabas gamit ang Channel 43 sa kabila ng cease and desist order na inilabas ng NTC na nagsasabing dapat nang ihinto ang broadcast operations ng network makaraang mapaso ang prangkisa nito noong Mayo 4.

 

Sa panibaong kautusan, binigyan diin ng NTC na kabilang ang TV Plus sa listahan ng mga radio at TV stations na pinasasara nila sa oder na inilabas noon namang Mayo 5.

Other News
  • MARK, nararanasan nang magpuyat dahil sa pag-aalaga kay BABY CORKY; excited na sa paglaki at makasamang magsayaw

    NGAYON lang daw nararanasan ni Mark Herras na mapuyat dahil sa pag-alaga ng anak nila ni Nicole Donesa na si Baby Corky.     Night shift nga raw ang hawak ni Mark sa pag-alaga sa baby niya. Buong araw daw kasi na si Nicole ang tumitingin kay Baby Corky, kaya pagdating ng gabi hanggang madaling […]

  • TIPID TUBIG

    NAGBABALA ang Maynilad at Manila Water sa kanilang customers na magkakaroon ng water interruption sa paparating na mga araw dahil sa pa-tuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan at maging sa La Mesa Dam sa Quezon City. Patuloy rin ang pagbaba ng level ng tubig sa Ipo Dam. Kaya ang payo ng […]

  • Registered owner rule hindi pwede gamitin na basehan para ipataw sa registered owner ang multa ng NCAP traffic violation kung iba ang driver

    SA ISANG  news item nagulat ako sa pahayag ng isang taga- QC Hall na ang basehan daw kung bakit ang registered owner ang liable sa no-contact apprehension ay ang  Registered Owner Rule.     With due respect po ang registered owner rule ay ginagamit para habulin ang registered-owner kapag may aksidente HINDI PAG TRAFFIC VIOLATION. […]