Bagong cease and desist order ng NTC vs ABS-CBN, ‘di makakaapekto sa franchise hearing – House leader
- Published on July 2, 2020
- by @peoplesbalita
Nilinaw ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado na hindi makakaapekto sa magiging desisyon ng Kamara sa franchise bid ng ABS-CBN ang inilabas na alias cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).
Ito ay matapos na ipinahinto kahapon ng NTC ang broadcast operations ng Sky Direct pati na rin ang digital television transmission ng ABS-CBN sa TV Plus gamit ang Channel 43.
Sa isang panayam, sinabi ni Alvarado na tanging sa mga gumagamit lamang sa naturang serbisyo ang maapektuhan ng cease and desist order ng NTC pero walang implikasyon naman sa mga pagdinig na isinasagawa ng Kamara sa 25-year franchise bid ng ABS-CBN.
Iginiit ni Alvarado na wala namang pagkakaiba nang pagkakaroon at kawalan ng ceased and desist order dahil Mayo 5 pa lamang ay paso na aniya ang prangkisa ng media giant.
Kahapon inilabas ng NTC ang alias cease and desist order habang tinatalakay sa Kamara ang ilang issue na kinakaharap ng network.
Kinuwestiyn ng ilang mga kongresista ang patuloy na pag-ere ng ABS-CBN ng kanilang mga palabas gamit ang Channel 43 sa kabila ng cease and desist order na inilabas ng NTC na nagsasabing dapat nang ihinto ang broadcast operations ng network makaraang mapaso ang prangkisa nito noong Mayo 4.
Sa panibaong kautusan, binigyan diin ng NTC na kabilang ang TV Plus sa listahan ng mga radio at TV stations na pinasasara nila sa oder na inilabas noon namang Mayo 5.
-
Petro Gazz: Champion for the 2nd time
Si Petro Gazz ay bumalik sa trono ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa isang mas kahanga-hangang paraan, na pinalayas ang Cignal sa ikalawang sunod na pagkakataon, 25-17, 22-25, 25-12, 25-22 bago ang malaking crowd noong Martes sa Philsports Area sa Pasig noong Martes. Si Coach Rald Ricafort ay nagdemanda ng oras nang […]
-
Unreleased Bayanihan 2 funds, pinabubusisi
Mahigit 30 mambabatas ang lumagda sa isang resolusyon na humihikayat sa na magsagawa nang imbestigasyon sa pagpapalabas at paggamit ng pondo na inilaan sa ilalim ng Republic Act No. 11494, o Bayanihan to Recover as One Act. Ayon kay AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin, isa sa mga awtor ng House Resolution 1558, kailangang […]
-
Dumating na ang hinihintay na ‘perfect time’: YNNA, engaged na rin sa non-showbiz boyfriend na si BULLY
ENGAGED na rin si Ynna Asistio sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Bully Carbonell. Sa kanyang Instagram, pinost ni Ynna ang photo nila ni Bully at suot na niya ang kanyang engagement ring. “Ilang taon ako [nagbenta] ng engagement ring and wedding ring. Lagi ko tinatanong sa sarili ko, ‘kailan kaya […]