• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong energy sources pinatutukan ng ERC sa pamahalaan

PINAYUHAN ni Energy Regulatory Commission chairperson Agnes Devenadera ang pamahalaan na ituon ang atensyon sa pag-develop ng mga bagong sources ng energy para makatulong sa pagbawas sa singil sa nakokonsumong kuryente ng publiko.

 

 

Mababatid na sa harap nang tuluy-tuloy na pagsirit ng presyo ng langis, inanunsyo ng Meralco noong Huwebes na itataas nila ang household electricity rates ngayong Marso ng P0.0625 per kiloWatt-hour, dahilan para umakyat ang overall rate sa P9.6467/kWh mula sa P9.5842/kWh noong Pebrero.

 

 

Binanggit din ni Devenadera sa isang panayam ang tungkol sa posibleng paggamit ng bansa ng nuclear power.

 

 

Aniya mayroon na rin namang mas ligtas na nuclear energy ngayon dahil sa mga development sa teknolohiya sa mga nakilas na taon.

 

 

Subalit, sa kabila nito, iginiit ni Devenadera na dapat matiyak muna ang mga safety measures bago pa man gumamit na ng nuclear power.

 

 

Kamakailan lang, inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 164 para maisama ang nuclear power sa energy source mix ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Anti Terrorism Act, pinagtibay ng SC

    Pinagtibay ngayon ng Korte Suprema ang RA 11479 o Anti Terrororism Act of 2020.     Pero mayroong ilang probisyon dito ang idineklarang labag sa batas.     Sa inilabas na abiso ng Supreme Court en banc, kabilang sa mga idineklarang labag sa batas ay ang Section 4 tumutukoy ito sa Terorismo.     Sa […]

  • Ads May 27, 2022

  • 3 sugatan sa saksak at bala sa Malabon

    Tatlong katao kabilang ang 16-anyos na binatilyo ang sugatan matapos ang magkahiwalay na insidente ng pananaksak at pamamaril sa Malabon city.     Sa imbestigasyon, dakong 11:30 ng gabi, nasa loob ng computer shop ang biktimang itinago sa pangalang “Randy” at ang suspek na menor-de-edad din sa 8th St., Block 4 Lot 11, Brgy. Tanong nang […]