• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong features ng peso bills, mahirap mapeke at madaling mapag-aralan ng mga visually impared – BSP

Naipalabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang enhanced features ng peso bills , na inilunsad noong Hulyo 30.

 

Ayun kay BSP Legazpi bank officer Sharon Moyano sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ginawa ang hakbang para maprotektahan ang integridad ng banknotes at maiwasan ang pamemeke ng Philippine peso.

 

Maaalala kasi na sa mga nakalipas na mga taon, talamak ang pamemeke ng pera sa bansa.

 

Dagdag pa ng opisyal na layunin rin nito na mas maging madali ang pagtukoy ng pera para sa mga senior citizen at mga visually impared na kalimitang naloloko at nalilito sa mga banknotes.

 

Napag-alaman na sa bagong labas na disenyo, may naka-angat na marka sa kanang bahagi ng peso bill, kung saan dalawa ang linya para sa P50, apat na linya sa P100 bill, anim sa P200, walo sa P500 at limang linya sa P1000 bill.

Other News
  • Ej Obiena nagtapos sa ika-4 na puwesto sa Berlin Tournament

    Nagtapos sa pang-apat na puwesto si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa ISTAF Berlin Tournament sa Germany.     Nabigo kasi ito sa 5.81-meter mark na talunin sa nasabing torneo.     Pawang mga Americans ang nakakuha sa una hanggang pangatlong puwesto na pinangunahan ni Sam Kendricks, Christopher Nilsen at KC Lightfoot.     Magugunitang […]

  • 5 araw bago Holy Week: Simbahan, may paalala sa mga deboto sa gitna pa rin ng pandemya

    PINAG-INGAT ng simbahan ang mga mananampalataya sa mga aktibidad na gagawin kasabay nang pag-aayuno sa nalalapit na Holy Week.     Ayon kay Fr. Jerome Secillano, ang Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, bago pa man nagkaroon ng pandemya ay sinasabi na ng Simbahan sa mga […]

  • China, ibinasura ang ‘unwarranted accusation’ ng Pinas ukol sa fishing ban

    IBINASURA ng China ang “unwarranted accusation” o protesta ng gobyerno ng Pilipinas laban sa unilateral imposition nito sa fishing ban sa mga lugar na extended sa West Philippine Sea (WPS).     Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na ang naging deklarasyon ng Beijing na fishing ban, na naging epektibo noong Mayo 1 […]