Bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas nasa 1,414, kaso iniakyat sa 564,865
- Published on February 25, 2021
- by @peoplesbalita
Pumalo patungong 564,865 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas ngayong Martes sa muling paglobo ng arawang kaso sa 1,414.
Nakikipagbuno pa rin naman ngayon sa sakit ang nasa 29,817 sa bansa, o ‘yung mga “aktibong kasong” ‘di pa gumagaling o namamatay.
Nasa 16 naman ang bagong ulat na binawian ng buhay kung kaya’y lumobo na sa 12,107 ang total domestic deaths. Sa kabila niyan, higit na marami ang ligtas na sa panganib sa 522,941.
Anong bago ngayong araw?
- Posibleng mapinal na ang petsa ng pagdating ng COVID-19 vaccines mula sa British-Swedish firm na AstraZeneca sa susunod na linggo matapos matiyak ng gobyerno ang lahat ng mga requirements na hinihingi ng WHO-led COVAX facility. Nakatakdang makakuha ng 5.5 milyon hanggang 9.2 milyong doses ng AstraZeneca vaccines ang Pilipinas ngayong 2021.
- Pinapapaspasan ngayon ng Bayan Muna party-list ang pagpasok ng iba pang COVID-19 vaccine brands sa Pilipinas matapos isiwalat ng Food and Drug Administration na hindi nila mairerekomenda sa healthcare workers at senior citizens ang pagtuturok ng bakuna mula sa Chinese manufacturer na Sinovac: “Bakit kasi parang sa Sinovac/CoronaVac lang parang nakaasa ang vaccination program ng administrasyon?” ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate kanina.
- Sa kabila ng mga delay sa pagdating ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas, inilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na walang sinisisi si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nangyayari lalo na’t “responsibilidad ng manufacturers” daw ang shipping nito.
- Ikinatuwa naman ng OCTA Research Team kanina ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muna ang planong transition ng buong Pilipinas sa pinakamaluwag na MGCQ sa Marso dahil na rin sa papalalang epekto ng pandemya. “Tamang tama din ang pahayag na hindi muna magoopen up or mageease ng restrictions ng quarantine dahil nakakita tayo ng bahagyang pag-increase [ng Covid cases],” ani Dr. Butch Ong.
- Tutol naman si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na magpatupad ng pinakamahigpit na lockdown sa kanilang probinsya sa gitna ng pagtaas ng mga kaso roon at pagpasok ng dalawang mutations ng COVID-19.
- Iminumungkahi naman ngayon ng Department of the Interior and Local Government na tanggalin na bilang rekisitos sa pagbiyahe ng mga turista sa Pilipinas ang COVID-19 tests bilang bahagi ng pagpapasigla sa turismo at ekonomiya ng bansa.
- Umaabot na sa 111.1 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na ‘yan, halos 2.5 milyon na ang binawian ng buhay.
-
Catantan tumagpas ng 3 panalo sa Ohio fencing
NILADLAD kaagad ni Pennsylvania State University Nittany Lion athletic scholar Samantha Kyle Catantan ang bangis ng isang Pinay nang tumagpas ng tatlong panalo sa Ohio State Invitational linggong nagdaan sa Columbus,USA. Unang nakaeskrimahan ng PSU men’s at women’s fencing teams sa torneo ang mga koponan ng Notre Dame, Duke at North Carolina. […]
-
Nasa mahigit 3,000 pasyente ang nabigyang serbisyo ng Philippine Red Cross (PRC) Emergency Medical Services (EMS) Teams
SA ILALIM ng direktiba ni PRC Chairman at CEO, Senator Richard J. Gordon ay nagtalaga ang PRC ng nasa 1,399 PRC EMS personnel, operating 127 first aid stations, at 97 ambulance units sa mga simbahan, highway, terminal, beaches, parks, pilgrimages, and mga bundok sa buong bansa mula Abril 10 (Palm Sunday) hanggang Abril 17 (Eastern […]
-
Mahilig manood ng horror, kaya happy na maging zombie: CARLA, nagkuwento ng totoong horror story ng buhay niya
MASAYA ang Councilor ng 5th District ng Quezon City na si Alfred Vargas dahil balik siya sa acting. Mapapanood siya sa pilot week ng bagong GMA Afternoon Prime na “Unica Hija”, special participation lang daw siya bilang tatay ni Kate Valdez. Pero sabi ni Alfred, nag-enjoy raw siyang talaga sa taping […]