• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Catantan tumagpas ng 3 panalo sa Ohio fencing

NILADLAD  kaagad ni Pennsylvania State University Nittany Lion athletic scholar Samantha Kyle Catantan ang bangis ng isang Pinay nang tumagpas ng tatlong panalo sa Ohio State Invitational linggong nagdaan sa Columbus,USA.

 

 

Unang nakaeskrimahan ng PSU men’s at women’s fencing teams sa torneo ang mga koponan ng Notre Dame, Duke at North Carolina.

 

 

At sa report  PSU na nasilip ng People’s BALITA, gumapas ng 3-0 rekord ang 19 na taong gulang na fencer mula sa Tondo, Maynila nang umiskor ng ng 7-2 win-loss record Nittany Lion sa women’s foil event ng torneo.

 

 

Unang homegrown  na kinuha ng US National Collegaite Athletic Association (NCAA), nakadale ng ng gold medal si Catantan  sa individual foil ng 2019 Asian Under-23 Championship sa Thailand at sa sabi ring torneo sa women’s team foil naman noong 2018 sa Pasig, Metro Manila.

 

 

May naespada rin siyang dalawang bronze medal sa nasabing mga event sa PH 2019 Southeast Asian Games.

 

 

Si Catantan din ang instrumentoi ng University of the East Junior Warriors na nakasiyam na sunod na kampeon sa girls division  ng 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) high school fencing 2019-20. (REC)

Other News
  • Ads June 14, 2021

  • Mandatory quarantine period, maaaring bawasan at gawing 10 araw ang 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW

    MAAARING  bawasan sa 10 araw ang mandatory quarantine period mula sa 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW.     “So ito po ‘yung proposed changes as we have already mentioned. We can shorten the duration of quarantine from 14 days. If there are no symptoms to the end of 10 days,” ayon […]

  • Cayetano ‘totoong resigned na’ bilang House speaker matapos mahalal si Velasco

    PORMAL nang napalitan bilang speaker ng Kamara de Representantes si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Martes, matapos ang matagal- tagal na agwan sa pwesto bilang pinuno ng Mababang Kapulungan.   Nangyari ito matapos tuluyang ratipikahan ng 186 miyembro ng House ang kanyang pamumuno, dahilan para matuloy ang “term-sharing” agreement […]