BAGONG LAYA, BEBOT PINATAY
- Published on July 16, 2020
- by @peoplesbalita
PATAY ang isang babaeng kalalaya pa lamang umano sa kulungan dahil sa kasong iligal na droga nang barilin ng hindi pa nakilalang salarin sa Port Area,Maynila kagabi.
Kinilala ang biktima na si Janel Seguros ng 11st Railroad Port Area.
Nabatid na naglalakad sa may Rail Road Street sakop ng Barangay 650 nang may bumuntot sa kaniyang isang lalaki saka binaril sa ulo.
Matapos ang pamamaril ay saka iniwan ang biktima naduguang nakahandusay saka mabilis na tumakas ang suspek
Patuloy naman nagsasagawa ng follow up operation ang pulisya para sa ikadakip ng suspek.
Gayundin inaalam pa kung may kinalaman sa droga ang pamamaril sa biktima na umanoy sangkot din sa ilang iligal na aktibidad sa Maynila. (GENE ADSUARA)
-
CBCP, pinasalamatan ang mga guro
Pinasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan. Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa Radio Veritas, kinilala nito ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan. […]
-
Sec. Ano extended pa ng isang buwan ang leave of absence – DILG
Hiniling ni ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na i-extend pa ng isang buwan ang kaniyang leave of absence. Ayon kay DILG OIC Usec Bernardo Florece magpapatuloy ang bakasyon ni Año hanggang March 31. Sinabi ni Florece na nasa maayos nang kalagayan ang kalihim at nakalabas na ng ospital […]
-
Kasong sedition, conspiracy, pinag-aaralan ng gobyerno vs VP Sara kasunod ng banta kay PBBM
Ikinu-konsidera na pamahalaan ang pagha-hain ng sedition charges o iba pang mas matinding kaso laban kay Vice President Sara Duterte, kasunod ng pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Inihayag ni Justice (DOJ) Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na ikinu-konsidera na nila bilang mastermind ng assasination plot sa pangulo, sa […]