• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong outbreaks, iprayoridad – Isko

Nararapat na gawing isa sa prayoridad ng susunod na pamahalaan ang pagbabantay at paghahanda laban sa mga susunod pang mga outbreaks na mangyayari sa mundo kahit na matapos na ang pandemya sa COVID-19, ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno.

 

 

Sinabi ni Moreno, standard-bearer ng Aksyon Demokratiko para sa Halalan 2022, una niyang tututukan ang pagpapalakas sa sistema sa kalusugan ng bansa para hindi na nagugulantang kapag may tumatamang mga outbreak sa mundo.

 

 

“Ilalaan ko ang unang dalawang taon ng aking administrasyon sa pagpapalakas ng health system para makalaban tayo sa pandemya, dapat bantayan ang mga darating na outbreaks at maging handa sa anumang mangyayari habang pinipilit nating buhayin ang ating ekonomiya,” ayon kay Moreno.

 

 

Kasunod nito, sinabi niya na gagawin niya sa buong bansa kung anuman ang nagawa niyang mga proyekto at programa sa Maynila.

 

 

“Nasa pandemya tayo. Ang buhay at kinabukasan ng tao ang nakasalalay. Kaya naisip ko na kung ano ang ginawa natin sa Maynila, ganun din ang gagawin natin sa buong bansa,” ayon sa alkalde.

 

 

Kasama sa mga proyektong ito na nais gawin ni Moreno sa buong Pilipinas ang pabahay para sa mga mahihirap sa Baseco, Tondo at Binondo; konstruksyon ng COVID-19 field hospital at bagong Ospital ng Maynila; libreng antigen testing at libreng gamot na Remdisivir at Tocilizumab; at patuloy na paghahatid ng food boxes sa mga taga-Maynila. (Gene Adsuara)

Other News
  • Suspensyon ng mga major sports events, pinaboran sa Kamara

    SUPORTADO ng chairman ng House Committee on Youth and Sports Development ang desisyon na pansamantalang suspindihin ang ilang sports events kabilang na ang pagho-host ng Pilipinas sa 10th ASEAN Para Games (APG).   Ayon kay Valenzuela City Rep. Eric Martinez, ito ay bilang pagtugon na rin sa naging advisory ng Department of Health (DOH) kaugnay […]

  • Federer nabigo sa quarterfinals ng Wimbledon

    Natapos na ang kampanya sa Wimbledon ni Swiss tennis star Roger Federer.     Ito ay matapos na talunin siya ni world number 18 Huber Hurkacz sa quarterfinal ng nasabing torneo.     Nakuha ng 24-anyos na Polish tennis star ang score na 6-3, 7-6(7-4) at 6-0.     Ito rin ang unang pagkakataon ni […]

  • PUNONG kapasidad ng mga establisimyento, pampublikong transportasyon sa ilalim ng Alert Level 1, pwede na sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS- Maaari nang magbukas ang mga establisimyento at pampublikong transportasyon sa kanilang punuang kapasidad sa paglipat ng buong lalawigan sa Alert Level 1 simula Marso 1 hanggang Marso 15, 2022.     Ayon sa Executive Order no. 7, series of 2022 ni Gobernador Daniel R. Fernando o ang “An order adopting the guidelines […]