‘Bagong Pantasya ng Bayan’ na si AJ, mas daring sa erotic thriller na ‘Taya; sexy scenes nila ni SEAN, mapangahas
- Published on July 30, 2021
- by @peoplesbalita
MULA sa dalawang VIVAMAX hit movies na Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar at Death of a Girlfriend, isang daring na role na naman ang gagampanan ng Bagong Pantasya ng Bayan na si AJ Raval sa pinakabagong psychedelic erotic thriller Vivamax Original ang TAYA.
At mula naman sa Anak ng Macho Dancer, nakakuha na naman si Sean De Guzman ng lead role sa pelikula kung saan maipapakita na naman niya ang kanyang magandang katawan at galing sa pag-arte.
Ang tambalan ni AJ at Sean sa TAYA ay siguradong magsisimula sa bagong henerasyon ng mga talentado at seksi na mga aktor.
Ang TAYA ay tungkol kay Sixto (Sean De Guzman), isang Journalism student na nakadiskubre na ang babaeng lagi niyang pinagpapantasyahan ay isa sa mga premyo sa isang online “ending” na laro.
Agad-agad siyang tumaya at maswerte siyang nanalo sa laro. Ngunit dahil nagkamali siya sa pagtaya, hindi niya napansin na ibang babae ang kanyang natayaan; isang babaeng nagngangalang Nanette (AJ Raval).
Pagkatapos ng ilang sexual encounters, na-adik si Sixto kay Nanette at nangako ito na babawiin siya sa sindikatong may hawak sa kanya na ang tingin lang sa kanya ay isang premyo na pagkakakitaan.
Bibida rin pelikulang ito ay sina Jela Cuenca at Angeli Khang. Kasama sina Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit.
Sa direksyon ni Roman Perez Jr. na siya ding nag-direk ng erotic-thriller na Adan, at sa panulat ng 2018 Cinemalaya Best Screenwriter John Carlo Pacala, asahan niyo na ang TAYA ay hindi lamang ordinaryong sexy movie. Dahil bukod sa mga mapangahas na sexy scenes, mae-excite din kayo sa mga plot twist na puno ng suspense.
Kaya naman humanda nang isugal ang lahat pag pinanood niyo ang TAYA sa August 27, streaming sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at VIVAMAX. Panoorin ang TAYA at iba pang blockbuster movies kapag nag-subscribe ka sa VIVAMAX.
Mag-subscribe gamit ang VIVAMAX app via Google Play Store at App Store. Unli-watch na sa halagang P29 para sa tatlong araw, P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Pwede kang magbayad gamit ang GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya o PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account. Maaari ding mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad sa EC Pay outlets: 7 Eleven at All Day o via PayMongo, GrabPay at GCash o via PayMaya.
Para makapagbayad mula sa E-commerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, GCash, ComWorks Clickstore, Paymaya o Globe One. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, ComWorks, at Load Central partner outlets: Cebuana Lhuillier at Palawan Express.
Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Sky Cable, Cable Link, KCAT Fiber, Air Cable, Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, Z-energy Cable TV Network Inc.
Available din ang Vivamax sa Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan. Vivamax, atin ‘to!
Simula sa Agosto 1, 2021 ang Vivamax ay magiging available na sa Hong Kong, Singapore, Malaysia at Japan. Maari na rin magamit ang screen cast to TV feature nito upang mas maging komportable ang inyong panunuood sa inyong mga TV screens. Vivamax, atin ‘to!
Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa ating Pambansang Streaming App, VIVAMAX!
(ROHN ROMULO)
-
Betrayal of public trust, graft batayan sa impeachment vs VP Sara
ITO ang dalawang nakikitang batayan ng House Committee on Good Government and Public Accountability na maaring magamit sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng hindi nito maipaliwanag na paggastos ng confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Sinabi ni Manila 3rd […]
-
Paglipat ng pondo ng Philhealth sa National Treasury, pinigil ng Korte Suprema
PINIGILAN ng Korte Suprema ang paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO). Naglabas ng temporary restraining order kahapon (TRO)ng Korte Suprema laban sa karagdagan pang paglilipat ng P89.90 bilyon pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Treasury. […]
-
Matapos makisawsaw sa isyu ng ‘no label’ nina Ruru at Bianca: RR, ‘di pinalampas ang naging komento ng ama ng aktor kaya niresbakan
NANG makita ni RR Enriquez ang isang artcard tungkol sa dating relationship nina Ruru Madrid at Bianca Umali, pero walang label, nag-comment ito sa kanyang IG account ng, “Gusto ko ito sawsawan at gigil ako😩😂 “Four years and yet “No Label?? “Gurl if totoo man yan you should know your worth… “Kaya […]