• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong tayong 10 palapag na pampublikong elementary school sa Tondo, binuksan na

MATAPOS ang dalawang taon na pagpapatayo sa sampung palapag na gusali ng bagong Rosauro Almario Elementery School, pormal na itong isinalin ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa principal at mga guro para sa muling pagbubukas nito sa Tondo.

 

 

Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang simbolikong pagbigay ng mga susi sa principal ng nasabing eskwelahan na si Graciano Budoy Jr. katuwang si Manila 1st District Congressman Ernix Dionisio.

 

 

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Budoy, sampu ng kanyang 305 na teaching at non-teaching personnel, kina dating Yorme Isko Moreno Domagoso at Mayor Honey Lacuna-Pangan sa silang pasimuno para matupad ang matagal na nilang pangarap na magkaroon ng bagong gusali.

 

 

“Amin itong susuklian sa pamamagitan ng pag-iingat na mabuti… Ito ay mananatiling bantayog ng kahusayan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Ibibigay po namin ang pinakamataas na antas ng edukasyon,” ani Budoy.

 

 

Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Mayor Lacuna-Pangan na ang pagtatayo ng ganitong uri ng napakagandang gusali ay bunga ng isang pangarap ng isang batang Almario sa katauhan ni Yorme Isko Moreno Domagoso.

 

 

Sinariwa naman ni Yorme Isko ang kanyang magagandang alaala noong siya ay estudyante pa ng naturang pampublikong paaralan kasabay ng pasasalamat sa kanyang mga guro.

 

 

“I hope sa mga teacher ko, I did not fail you, Sama-sama tayo, patunayan nating hindi lang sa Tondo, hindi lang sa Maynila, kundi sa buong bansa na ang Tondo ay pandayan ng husay at talino,” sabi pa ng dating alkalde sa kanyang talumpati.

 

 

Matatandaang naitayo ang nasabing gusali sa Kagitingan St, sa Tondo na may 227 na silid-aralan, 12 opisina, library, anim na science room na pawang air-conditioned, auditorium, gymnasium, dalawang outdoor basketball courts na puwedeng gawing football field, dalawang roof deck outdoor sport at walong elevator na kayang magsakay ng kabuuang 192 na estudyante. (Leslie Alinsunurin)

Other News
  • Final guidelines para sa 2022 polls, ilalabas sa 4Q ng 2021 – Comelec

    Ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) sa huling quarter ng 2021 ang final guidelines para sa 2022 national elections.     Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, binabalangkas pa nila ang mga guidelines na ihahanay sa umiiral na sitwasyon ng COVID-19 pandemic, na inaasahang tatagal pa hanggang sa halalan.     “Ongoing pa yung aming […]

  • Hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba pa sa 0.35

    Mas lalo pang bumaba ang kaso ng hawaan o ang reproduction number ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na umaabot na lamang sa 0.35 mula Nobyembre 29 hanggang Dec. 5.     Ayon sa OCTA Research Group, ang naturang reproduction number ay mas mababa sa 0.92 sa kaparehong period ng 2020.     […]

  • Perfect influencer para sa global reach ng Beautederm: JERALDINE, kinilig nang i-follow ni DOMINIC kaya nag-follow back

    IPINAKILALA na ng founder ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang kanilang newest endorser noong May 22 sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City Pampanga, wala iba kundi si Jeraldine Blackman. Ayon kay Ms. Rei, na nagsimula sa beauty industry noong 2009, makatutulong ang collaboration na ito sa pagpapalawak ng reach ng Beautéderm, dahil na rin sa global influence […]