• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Final guidelines para sa 2022 polls, ilalabas sa 4Q ng 2021 – Comelec

Ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) sa huling quarter ng 2021 ang final guidelines para sa 2022 national elections.

 

 

Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, binabalangkas pa nila ang mga guidelines na ihahanay sa umiiral na sitwasyon ng COVID-19 pandemic, na inaasahang tatagal pa hanggang sa halalan.

 

 

“Ongoing pa yung aming proseso dahil hinihimay pa yung halos lahat ng protocols from canvassing, filing, from bilangan [ng boto], lahat. So siguro end or last qurater ng taong ito [ire-release],” wika ni Abas sa isang public briefing.

 

 

Wala pa ring pasya ang poll body sa ngayon kung ipagbabawal nila ang face-to-face na pangangampanya.

 

 

Isa rin aniya sa ikinokonsidera para sa 2022 elections ay ang paglilimita sa bilang ng mga botante sa kada presinto ng hanggang lima lamang.

 

 

Paglalahad ni Abas, ganito ang gagawin sa plebisito sa Palawan na itinakda sa Marso 13 at titingnan nila kung magiging epektibo ang ganitong protocol.

 

 

Maliban dito, ipatutupad din nila ang health and safety protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shields, at pagsunod sa social distancing.

 

 

“Marami tayong ilalatag d’yan but depende yan sa magiging assessment ng ating health experts lalo na ‘yung IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases). Susunod kami sa mungkahi ng health experts,” anang poll official. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Dahil sa pag-viral sa sinagot sa ‘Family Feud’: MAVY, hindi pikon at sinakyan na lang ang pagkakamali

    NILINAW ni Buboy Villar ang tungkol sa closeness nila ni Jelai Andres na inaakala ng marami na may malalim na silang relasyon. Malapit lang daw talaga si Buboy sa mga babae na tinuturing niyang katropa dahil magkasama sila sa trabaho tulad rin nila Faith da Silva sa ‘All Out Sunday’ at Lexi Gonzales sa ‘Running […]

  • 4 na oras sa burol, 4 na oras sa libing ni baby River ibinigay ng korte kay Nasino

    WALONG oras ang ibinigay ng Manila Regional Trial Court ,Branch 47, sa aktibistang si Reina Mae Nasino para masilip at makapiling ang kanyang nasawing anak sa burol nito at sa nakatakdang libing sa Manila North Cemetery sa Oktubre 16,2020 sa Maynila.   Sa dalawang pahinang order ni Manila RTC,Br.47 Presiding Judge Paulino Gallejos, si Nasino […]

  • NLEX toll rates muling tataas

    PINAYAGAN ng Toll Regulatory Board (TRB) ng Department of Transportation (DOTr) na magkaroon ng rate adjustment sa North Luzon Expressway (NLEX).       “We have authorized the imple-mentation of an additional P7 in the open system and P0.36 per kilometer in the closed system starting June 15,” wika ng TRB.       Ang […]