Bagong testing and quarantine protocols ipaiiral simula Feb. 1 – IATF
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong testing at quarantine protocols epektibo simula Pebrero 1 para sa mga papayagang makapasok ng bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, lahat ng mga pasahero mula sa ibang bansa ay obligado ng sasailalim sa facility-based quarantine pagdating ng Pilipinas.
Ayon kay Sec. Roque, ang mga nasabing pasahero ay sasailalim sa RT-PCR test sa ikalimang araw sa bansa, maliban na lamang kung ang isang pasahero ay magpapakita ng sintomas ng COVID-19 ng mas maaga habang nasa quarantine.
Matapos mag-negatibo ang resulta ng pasahero, ieendorso na ito sa uuwiang local government unit kung saan nito kokompletuhin ang 14-day quarantine at mahigpit itong imo-monitor ng LGU.
“Arriving passengers, regardless of their origin, shall be required to undergo facility-based quarantine upon arrival. They shall then undergo RT-PCR test on the fifth day from their date of arrival in the country, unless the passenger shows symptoms at an earlier date while on quarantine. Once a passenger tested negative, the passenger shall be endorsed to the local government unit of destination where the passenger shall continue the remainder of the fourteen-day quarantine under the strict monitoring of the LGU,” ani Sec. Roque.
-
Desisyon ng IATF, binawi ni PDu30
BINAWI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na ang mga kabataang may edad na 10 hanggang 14 na nasa lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) na lumabas-labas ng bahay simula sa Pebrero 1. “Yung restrictions na lifting the age for 10 […]
-
Toledo, bukas na tanggapin ang alok na maging press secretary
BUKAS si Atty. Michael “Mike” Toledo na tanggapin sakali’t ialok sa kanya ng administrasyong Marcos ang posisyon bilang press secretary. Kabilang kasi ang pangalan ni Toledo sa mga pinagpipilian na magiging kapalit ni Atty. Trixie Cruz-Angeles na nagbitiw sa kanyang tungkulin dahil sa health reasons. Hindi naman itinanggi o kinumpirma ni Toledo ang […]
-
Team Pacquiao, ‘mixed emotions’ sa pagreretiro ni Pacman
Inamin ni dating two division world boxing champion Gerry Penalosa na mixed emotion sila sa pagreretiro ng kaibigang si Sen. Manny Pacquiao para sa larangan ng boxing. Ayon kay Penalosa sa panayam ng Bombo Radyo, masaya sila na makakapag-focus na sa iba pang mahahalagang bagay ang Pinoy ring icon. Pero nalulungkot din sila […]