• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Toledo, bukas na tanggapin ang alok na maging press secretary

BUKAS si Atty. Michael “Mike” Toledo na tanggapin sakali’t  ialok sa kanya ng administrasyong Marcos ang posisyon bilang press secretary. 

 

 

Kabilang kasi ang pangalan ni Toledo sa mga pinagpipilian na magiging kapalit ni Atty. Trixie Cruz-Angeles na nagbitiw sa kanyang tungkulin dahil sa health reasons.

 

 

Hindi naman itinanggi o kinumpirma ni Toledo ang alok na posisyon sa kanya.

 

 

“I’m not in a position to dwell on it. But let me just say, given the opportunity to serve, why will I say no?” ayon  kay Toledo sa isang panayam.

 

 

“Sino ba naman tayo para tumanggi?  I will be humbled and it will be an honor and privilege to serve under the Marcos administration,” wika ni Toledo.

 

 

Aniya pa, handa siyang magsilbi maging sa  private o sa  public sector.

 

 

Si Toledo ay kasalukuyang pinuno ng government relations and public affairs department ng Metro Pacific Investments Corporation.

 

 

Sa kabilang dako, hindi naman aware si Toledo na kasama siya sa shortlist ng pagpipilian ni Pangulong Marcos kapalit ni Cruz-Angeles.

 

 

Bukod kasi kay Toledo, lumutang din ang mga pangalan nina dating broadcaster Gilbert Remulla at Transportation Undersecretary Cesar Chavez  sa di umano’y pinagpipilian  ng Pangulo.

 

 

“I am not aware of any shortlist but if I am indeed in a shortlist then I consider it to be an honor in itself. Can you imagine, of all the possible talents out there, a lot of talents out there, good people, brilliant minds, dedicated people as well who I’m sure is more than willing to serve in government, and yet I’m one of those in that shortlist,” ayon kay Toledo. (Daris Jose)

Other News
  • May pa-surprise birthday party sa kanya sina Rhian: MAX, wish na magka-international project kaya nag-audition sa Amerika

    NASURPRESA ang lahat ng mga nakarinig na para sa isang batikang aktres at the same time, mahusay na director na si Gina Alajar nang aminin nito na kinakabahan siya portraying the role of Lola Joy in “Start-Up Ph.”     Ito ang GMA Network’s adaptation ng Korean drama na “Start Up.” May mga kumuwestiyon kay […]

  • COMELEC HINAMON MGA KANDIDATO NA MAGSAMPA NG REKLAMO

    HINAMON  ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ituloy ng mga kandidato ang kanilang unang naging pahayag na magsampa ng kaso  sa Comelec ukol sa nangyaring  pagbabaklas ng mga campaign posters sa loob ng bakuran ng  kanilang tagasuporta.     Ayon sa Comelec, dito umano magkakaroon ng linaw ang isyu.     “Bukas ang Comelec,sa pagrere-evaluate […]

  • Paggamit ng gamot na IVERMECTIN laban sa Covid-19, walang basbas ni PDU30

    PINABULAANAN ng Malakanyang ang ulat na may basbas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggamit ng Ivermectin laban sa Covid -19.     “Hindi po noh? ang nangyari is nag-meeting noong Sabado ang IATF for almost 10 hours and one of the agenda na na-discussed po ay iyong Ivermectin at ni-report po ni Usec. Eric […]