Bagong testing and quarantine protocols ipaiiral simula Feb. 1 – IATF
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong testing at quarantine protocols epektibo simula Pebrero 1 para sa mga papayagang makapasok ng bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, lahat ng mga pasahero mula sa ibang bansa ay obligado ng sasailalim sa facility-based quarantine pagdating ng Pilipinas.
Ayon kay Sec. Roque, ang mga nasabing pasahero ay sasailalim sa RT-PCR test sa ikalimang araw sa bansa, maliban na lamang kung ang isang pasahero ay magpapakita ng sintomas ng COVID-19 ng mas maaga habang nasa quarantine.
Matapos mag-negatibo ang resulta ng pasahero, ieendorso na ito sa uuwiang local government unit kung saan nito kokompletuhin ang 14-day quarantine at mahigpit itong imo-monitor ng LGU.
“Arriving passengers, regardless of their origin, shall be required to undergo facility-based quarantine upon arrival. They shall then undergo RT-PCR test on the fifth day from their date of arrival in the country, unless the passenger shows symptoms at an earlier date while on quarantine. Once a passenger tested negative, the passenger shall be endorsed to the local government unit of destination where the passenger shall continue the remainder of the fourteen-day quarantine under the strict monitoring of the LGU,” ani Sec. Roque.
-
Nag-enroll para sa pasukan ngayong school year nasa 22.5-M na – DepEd
PUMALO na sa 22.5 million ang mga nag-enroll bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5. Ayon kay DepEd USec. Tonisito Umali, ang naturang bilang ay 99.68 percent na bilang na nakuha mula sa school year 2019 -2020. Aniya, nasa 2.5 hanggang 3.5 milyong estudyente naman ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020 […]
-
3-araw tigil-pasada ikinasa uli ng Manibela
NAGKASANG muli ng tatlong araw na tigil-pasada ang transport group na Manibela sa susunod na linggo. Nabatid na isasagawa ng grupo ang transport strike mula Hunyo 10 hanggang 12 bilang protesta sa isinasagawang paghuli sa mga public utility jeepneys (PUJs) na hindi nakapag-consolidate ng prangkisa sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization […]
-
Dahil sa sunod-sunod na bagyo: Pinas, aangkat ng 4.5-M tonelada ng bigas dahil sa pinsala sa agrikultura
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aangkat ang Pilipinas ng 4.5 milyong tonelada ng bigas matapos ang pinsalang natamo ng sektor ng agrikultura dahil sa sunod-sunod na bigwas ng bagyo na tumama sa bansa. Ang pag-angkat ng bigas ay sapat para sa pangangailangan ng mga Filipino. Sinabi ito ng Pangulo sa […]