• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong testing at quarantine protocols, epektibo sa Pebrero 1

MAGPAPATUPAD ng bagong testing at quarantine protocols, epektibo sa Pebrero 1 ang Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Sa katunayan ay pinagtibay ng IATF kahapon, Enero 26, 2021 ang sumusunod na testing at quarantine protocols para sa lahat ng tao na papayagang makapasok ng Pilipinas.

 

Ang mga darating na pasahero saan man manggagaling ay kailangan na sumailalim sa facility-based quarantine sa oras na dumating.

 

Pagtapos nito ay sasailalim sila sa RT-PCR test sa ikalimang araw mula sa petsa ng kanilang pagdating sa bansa maliban na lamang kung ang pasahero ay nagpakita ng sintomas sa mas maagang petsa habang naka-quarantine.

 

Sinabi ng Malakanyang na magpapalabas ng operational guidelines ang IATF ukol dito bago ang Pebrero 1.

 

Sa kabilang dako, ang pasahero na nasuri na negatibo ay ie-endorso sa local government unit sa destinasyon kung saan ang pasahero ay ipagpapatuloy ang natitirang fourteen-day quarantine sa ilalim ng mahigpit na monitoring ng LGU.

 

Mahigpit na tagubilin ng IATF na sundin ang appropriate patient management alinsunod narin sa guidelines ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases at ng Department of Health Omnibus Guidelines on Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration Strategies for COVID-19.

 

Maliban dito, sa naging pulong din ng IATF ay napagdesisyunan na ipagpaliban ang relaxation o pagpapaluwag sa age-based restrictions sa mga lugar sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) bilang pagsunod sa naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Samantala, upang matiyak na “accurate, timely at efficient” ang distribusyon at pangangasiwa ng COVID-19 vaccines, pinahintulutan ng IATF ang Department of Information and Communications Technology (DICT) “to perform actions necessary to procure the services of a qualified third-party service provider to cater to all services pertaining to the design approval, IT project implementation, and service management of the Philippine COVID-19 Vaccine Information Management System (VIMS). ”

 

Binigyan din ng kapangyatihan ang DICT na bumalangkas ng standards na alamin ang kuwalipikasyon ng third-party service provider na magsasagawa ng kakailanganing serbisyo sa VIMS.

 

Ang magiging tungkulin ng Philippine COVID-19 VIMS ay kinabibilangan ng Citizen Vaccination Capture and Automation; Provide Management and Automation; Supply Chain Management; and VIMS Dashboarding, Reporting, at Analytics.

 

“It shall be the key process automation and data capture, storage, processing, and analytics system for the immunization and administration and supply chain management of the COVID-19 vaccines,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Nat’l sovereignty sa West Phl Sea, dedepensahan ng gov’t – Defense chief

    Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko na nakahanda ang ang gobyerno na protektahan at depensahan ang national sovereignty ng Pilipinas partikular sa may Julian Felipe Reef.     Kaugnay pa rin ito sa pagsalakay ng mga Chinese maritime militia vessels sa lugar na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.     […]

  • Birth cert ni Alice Guo pinapakansela ng OSG

    PINAPAKANSELA ng Office of the Solicitor General (OSG) ang birth certificate ng suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, batay sa inihaing petisyon sa Tarlac Regional Trial Court kahapon.       Magkatuwang ang OSG at ang Philippine Statistictics Authority (PSA) sa pagsasampa ng petisyon.     Sinabi ni Solicitor Gene­ral Menardo Guevarra na ang […]

  • National Cathedral sa US pinatunog ng 1-K beses dahil sa kaso ng COVID-19

    PINATUNOG ng 1,000 beses ang kampana ng Washington Natonal Cathedral sa US.     Ang bawat tunog kasi ay nagrereporesnta ng 1,000 bawat kamatayan mula sa COVID-19 habang papalapit na sa 1-milyon na ang nasawi.     Itinuturing kasi na ang US ang may pinakamaraming nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo na mas marami […]