• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong ‘Walang’ Gutom Kitchen makatutulong na mabawasan ang pag-aaksaya ng pagkain – DSWD

SINABI ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ang “Walang Gutom” (Zero Hunger) Kitchen, pinakabagong ‘convergence initiative’ ng departamento ay makatutulong na mabawasan ang pag-aaksaya ng pagkain sa bansa.

 

 

“This Walang Gutom Kitchen is a food bank kung saan ang private sector at ang public sector ay magsasanib pwersa para mabawasan ang wastage ng pagkain at matugunan ang problema ng kagutuman sa Metro Manila and later on, when we expand this type of food banks, nationwide,” ang sinabi ng Kalihim sa sidelines ng inilunsad na proyekto sa Pasay City.

 

 

Binigyang diin ni Gatchalian na ang Walang Gutom Kitchen ay susunod sa probisyon ng Republic Act 9803 o Food Donation Act of 2009 sa paglikha ng batas na makapanghihikayat sa donasyon ng wholesome food para sa mga charitable purposes.

 

 

“Ang plano natin is to expand it later on and open more of its branches so that ‘yung mga kababayan natin na nasa pribadong sektor na may excess na pagkain, pwede nilang maibaba rito sa Walang Gutom Kitchen para ‘yung mga nagugutom nating mga kababayan, pwedeng-pwedeng pumunta rito anytime para makakuha ng libreng pagkain,” ani Gatchalian.

 

 

Ang Walang Gutom Kitchen, matataguan sa dating Philippine offshore gaming operator (POGO) hub ay muling ginamit ng DSWD, nagtatampok sa convergence ng tatlong innovative programs ng departamento, — Pag-Abot Program, Walang Gutom Program at Tara, Basa! Tutoring Program.

 

 

“Clients reached out by or walk-ins in the Pag-Abot Program will be provided with food and other basic necessities upon the assessment of social workers,” ayon sa DSWD.

 

 

Sinasabing mapapadali ng Walang Gutom Kitchen ang tinatawag na ‘individualized case management’ ng mga kliyente kabilang na ang ‘assessment, intervention, planning at progress tracking ng mga homeless individuals para sa kanilang development.

 

 

Sa pamamagitan ng pagtatatag ng Tara, Basa! reading corners, magagawa ng mga kliyente na maka-access ng ‘learning at developmental interventions’ gaya ng parenting education at character-building activities na isasagawa sa multipurpose facility.

 

 

“Sa lahat ng mga kababayan natin na gustong tumulong sa ating mga kababayan na nagugutom …we will take on any type of food donation and drinks donation, whether gusto mo na own personal capacity or nagkataon na may negosyo ka at may sumobrang pagkain, basta galing sa pribadong sektor, alinsunod na rin sa batas, tatanggapin namin iyan para ipakain at ipamahagi araw-araw sa mga nagugutom nating mga kababayan,” ang tinuran ni Gatchalian.

 

 

Samantala, nakiisa naman si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa paglulunsad ng Walang Gutom Kitchen kasama si Gatchalian at mga private sector partners sa pamamahagi ng pagkain sa mga benepisaryo ng Walang Gutom Kitchen.

 

 

Ang iba pang opisyal na dumalo sa paglulunsad ng Walang Gutom Kitchen ay sina Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano at DSWD officials Undersecretary for Operations Group Pinky Romualdez, Undersecretary for Innovations Group Eduardo Punay, Assistant Secretary for Innovations Group Baldr Bringas, at Assistant Secretary for Regional Operations Paul Ledesma.

(Daris Jose)

Other News
  • Teleserye nina KATHRYN at DANIEL, posibleng maapektuhan sa pagtakbo ni KARLA; ibo-boycott daw ng KathNiel fans

    NAKU, makaka-apekto nga kaya sa bagong teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pagpasok ni Karla Estrada, ina ni Daniel sa pulitika.     Against daw ang KathNiel fans at napaka-vocal nila sa Twitter na lang.  Hindi sila against sa pagpasok ni Karla sa politics, ang hindi nila gusto, ang kinaaniban nitong partido.     […]

  • PBA players kailangan pa rin ng Gilas Pilipinas

    Naniniwala si dating Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag na kakailanganin pa rin ng Gilas Pilipinas ng ilang veteran PBA players sa 2023 FIBA World Cup.     Masaya si Alapag sa impresibong ipinamalas ng bagitong Gilas squad sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan winalis nito ang lahat ng tatlong laro kabilang […]

  • Paghina ng piso vs dolyar malaking epekto sa presyuhan ng oil products – DOE

    MULING  binigyang diin ng Department of Energy (DOE) na nakatali ang kamay ng gobyerno at walang magawa sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kada linggo.     Ginawa ni Atty Rino Abad, director ng Department of Energy-Oil Management Bureau, ang paliwanag sa Bombo Radyo dahil sa nakaamba na namang pagtaas sa […]