• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagsak na grado kay BBM sa unang 100 araw nito

BINIGYAN ng bagsak na grado ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Pangulong Bongbong Marcos para sa nalalapit na unang 100 araw nito sa Palasyo

 

 

“Sa totoo lang parang may pagka-deja vu ang Marcos Jr. administration sa nakaraang administrasyon ni Duterte. Napakaraming pinangako pero wala pa ding natutupad isa na dito ang dapat na pagtataas ng sahod ng mga guro,” anang mambabatas.

 

 

Patuloy pa rin aniya ang harassment at pagpatay umano sa mga kritiko ng administration.

 

 

Hindi umano importante kung isang opposition official, media, aktibista o ordinaryong personalidad na nagnanais lamang iparating sa gobyerno ang kanilag hinaing dahil maaari itong ma-red tagged, makulong sa gawagawa umanong kaso o mapatay tulad ng kaso ng radio commentator na si Percy Mabasa.

 

 

Sa isyu ng prayoridad, numero uno umano dito ni Marcos ay ang mayayaman at dayuhang investors at pagpapabaya umano sa mahihirap na constituents tulad ng paglipad nito sa Singapore para manood ng F1 Grandprix .

 

 

“Sa 2023 national budget inuna pa ang napakalaking bayad utang kesa sa mga batayang serbisyo para sa mamamayan. Nagsubi din ng napakalaking intelligence funds at confidential funds para sa kanyang sarili at kay VP Sara Duterte na para na sila na mismo ang intelligence agencies ng bansa pero ang totoo ay presidential at vice-presidential pork ang mga ito,” dagdag ni Castro.

 

 

Dapat din aniyang tignan ng administrasyon ang power situation ng bansa, napakataas na inflation sa basic goods, pagkain at transportasyon pero wala pa ding dagdag sahod sa mga manggagawa at government employees.

 

 

“Ganito ang nangyayari sa kalunsuran habang nagtataasan pa ang presyo ng bilihin at kawalan ng trabaho. Habang sa kanayunan naman ay wala pa ding lupa ang mga kalakhan sa mga magsasaka at tinamaan pa ng Super Bagyong Karding,” pahayag pa ng progresbong mambabatas. (Ara Romero)

Other News
  • Gilas Pilipinas tuloy ang paghahanda para sa FIBA World Cup

    MAS pinaghandaan ng Gilas Pilipinas ang nalalapit na pagsabak nila sa dalawang window ng FIBA.     Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios na ilang linggo ang gagawin nilang ensayo para matiyak na mangibabaw ang national basketball team ng bansa.     Pinag-aralan na rin aniya nila ang mga galaw ng mga makakaharap nila. […]

  • 5 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

    ISINELDA ang limang katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 7 Commander P/Capt. Arnold San Juan ang mga naarestong suspek bilang sina Jr Bungadelyo, 28, construction worker, Gary Jose, 40, helper, Jestoni Ebrada, 36, helper, Johnrod Tolentino, 31, cook […]

  • Ayuda sa mga Bulakenyong magsasaka, pinangunahan ni Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang pagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng mga kagamitan sa pagsasaka sa ginanap na “Distribution of STW and Assorted Vegetable Seeds for Farmers Affected by Water Shortage” sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.   Tumanggap ng tig-isang shallow tube well ang may […]