• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baguhan na sina Kiko at Jovani, bibida sa BL series na ‘Happentance’

MGA baguhan sa showbiz ang mga bida sa Happenstance, ang bagong BL series na ididirek ni Adolf Alix, Jr. para sa GagaOOLala channel.

 

Si Kiko Ipapo, 21, ay isang social media personality at influencer. Naging print model muna siya before he decided na subukan ang acting. Ang Happenstance very first acting project niya.

 

Si Jovani Manansala, 23, ay nagsimula rin sa entertain- ment industry via doing commercial ads. Tapos noon ay lumabas na siya sa iba’t- ibang TV shows tulad ng Ipaglaban Mo at Maalaala MoKaya? Nakalabas na rin siya sa indie movies na Mamu, And a Mother Too and Jolly Spirit Squad.

 

Kiko and Jovani play Wade and Jose Manuel, ang dalawang tao na magically nagkita kahit na sila ay nakatira sa magkaibang panahon – one in 1974 and in 2020.

 

Grounded si Jose Manuel matapos malaman ng kanyang amang sundalo na may relasyon siya sa isang aktibista. Si Wade naman is nursing a broken heart matapos makipaghiwalay kay Eric at habang nagbabakasyon ay naipit sa quarantine dulot ng Covid 19. Matapos ang super moon, parang may nagbukas na portal kung saan nakakapag- usap ang dalawa at ang nagkaroon ng connection.

 

Mula sa script ni Jerry Gracio, ang GagaOOlala Original series na ito ay malapit nang mapanood sa streaming platform. Kasama rin sa cast sina Bembol Roco, Rossana Roces, Alan Paule, Angeli Bayani, Erlinda Villalobos, Ken Anderson at Shu Calleja.

 

“Atin Lang,” ang theme song Happenstance ay kinompos at inawit ni Mikoy Morales. Magkakaroon din ito ng music video soon.

 

*****

 

INTERESTING ang bagong offering sa iWant featuring Erich Gonzales titled La Vida Lena.

 

Kasama sa powerhouse cast sina Carlo Aquino, JC De Vera, Kit Thompson, Janice de Belen, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Pen Medina, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Christian Vasquez, Malou Crisologo, Josh Ivan Morales, Hasna Cabral at Sofia Andres.

 

Introducing sa show sina Renshi de Guzman at Danica Ontengco.

 

Ito ay mula sa direksiyon nina Jerry Lopez Sineneng at Jojo Saguin.

 

Maganda ang teaser trailer ng La Vida Lenana inilabas ni Direk Jerry sa kanyang Facebook account. Matindi ang drama at tagisan ng acting. (RICKY CALDERON)

Other News
  • Ukrainian tennis player Elina Svitolina tigil muna sa paglalaro para tulungan ang mga mamamayan

    TUMIGIL  muna sa paglalaro si Ukrainian tennis player Elina Svitolina para tutukan ang pagtulong sa mga mamamayan na naiipit sa pananakop ng Russia.     Patuloy ang ginagawa nitong pangangalap ng pondo at pagbibigay ng impormasyon sa kinakaharap ng kaniyang bansa.     Mabigat aniya sa loob nito dahil sa kabilang ang pamilya nito na […]

  • MEET THE “BULLET TRAIN” CHARACTERS IN THEIR SOLO POSTERS

    “They’re all in it together, whether they like it or not.” Check out the new posters for Columbia Pictures’ new action-thriller Bullet Train and meet these characters exclusively in cinemas across the Philippines August 03, 2022.   Brad Pitt as Ladybug: He’s just trying to forget what he does for a living.   Zazie Beetz as The Hornet:  Don’t […]

  • Sinumpaang tungkulin, hindi pinipersonal

    HINDI umano personal kundi tinutupad lamang ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng mga miyembro ng Kamara ang kanilang tungkulin ng muling suspendihin si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na nagtatago at humingi ng political asylum sa ibang bansa.     “Hindi natin papayagan na sirain ninuman ang integridad ng kongreso. Walang personalan dito. […]