• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baha dulot ng Ulysses, iimbestigahan ng Kamara

Pinaiimbestigahan ng Kamara, bilang ayuda sa lehislasyon, ang dahilan ng malawakang pagbaha na nagpalubog sa Cagayan at Isabela sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

 

Inihain nina Speaker Lord Allan Velasco at Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, kasama si Minority Leader Joseph Stephen Paduano, ang House Resolution 1348 na nag-aatas sa kaukulang komite na agad na magsiyasat hinggil sa malawakang baha.

 

“Habang tumataas ang bilang ng mga nasawi ay unti-unti nating nakikita ang lawak ng pinsala, kinakailangan nating masuri ang mga hakbang na ginawa sa kasagsagan ng bagyo, bago at matapos ang bagyong Ulysses,” ani Velasco.

 

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 67 ang nasawi at 20 ang nawawala sanhi ng bagyong Ulysses at ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura ay tinatayang aabot na sa P1.5-bilyon.

 

Sa kanilang panawagan para sa imbestigasyon, binanggit ng tatlong pinuno ang “bigat ng walang katulad na kalagayan, ang kakayahan ng bansa sa mga natural na kalamidad at ang pangangailangan na maiwasan na maulit na mangyari muli ang mga kalamidad na ganito.”

 

Nais din nilang imbestigahan ang mga pangyayari sa likod ng mabilis na pagtaas ng tubig sa mga imbakan, at ang hindi pagtalima sa mga batas, patakaran at regulasyon na posibleng may epekto sa pag-angat ng tubig sa Cagayan River.

 

Gayundin ang pagrepaso sa desisyon ng National Irrigation Administration na buksan ang spillway gates ng Magat Dam, at kung ang ginawang hakbang ay naaayon sa umiiral na patakaran at protocol.

 

Dahil na rin sa mga kaganapan at prediksyon ng category 4 na lakas ng bagyo, sinabi ng mga ito na dapat ay naalarma na ang mga ahensiya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang mabawasan ang mapanganib na epektong idudulot nito sa mga komunidad.

 

Ang pinsala ay sanhi umano sa pagtaas ng Cagayan River na napuno ng tubig ulan na nanggaling sa 18 sanga ng ilog, at ang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam na lumampas na rin sa antas ng dinadalang tubig sa imbakan.

 

Napaulat din na sa gitna ng bagyong Ulysses ay pitong gates ng Magat Dam ang binuksan at nagpakawala ng tubig mula sa imbakan ng tubig na mabilis na nagpabaha sa malawak na lugar sa palibot ng dam.

 

Matapos na lumabas ng bansa ang bagyong Ulysses ay patuloy pa ring nakalubog ang maraming bahagi ng Cagayan at Isabela, at marami pa ring mamamayan ang nananatili sa bubong ng kanilang mga bahay na walang pagkain at tubig.  (ARA ROMERO)

Other News
  • Bar Exams magpapatuloy sa buwan ng Nobyembre

    MAGPAPATULOY ang 2022 Bar examinations gaya ng orihinal na naka-iskedyul sa buwan ng Nobyembre ayon sa Korte Suprema.     Inihayag ni SC spokesperson Brian Hosaka na magpapatuloy sa November 9, 13, 16, at 20 ang 2022 Bar Exams.     Samantala, sinabi rin ni Hosaka na mayroong 9,916 examinees ang inaasahan para sa Bar […]

  • WBN Fighter of the Year trophy nakuha na ni Pacquiao

    Natanggap na ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang Fighter of the Year award nito na iginawad ng World Boxing News (WBN).   Ibinigay kay Pacquiao ang naturang parangal matapos ang matagumpay na kampanya nito noong nakaraang taon kung saan dalawang impresibong panalo ang kanyang naitala.   Nakuha ni Pacquiao ang unanimous decision win kay […]

  • PBBM, muling inimbitahan na bumisita sa France

    MULING inimbitahan ni French President Emmanuel Macron si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsimula ng kanyang state visit sa France.     Ang imbitasyon ni Marcos ay ipinaabot ni newly-designated French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel nang mag-prisenta  ang huli ng kanyang credentials kay Pangulong Marcos sa isang seremonya sa Reception Hall ng […]