Bahay ng pulis pinasok ng kawatan, baril at P30K cash natangay
- Published on February 8, 2023
- by @peoplesbalita
NATANGAY ng hindi pa kilalang magnanakaw ang issued firearm, P30,000 cash at cellphone ng isang pulis matapos pasukin ang bahay ng biktima sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Sa pahayag ni PSSg Gorgonio Pedro Buntan III, 45, nakatalaga sa Navotas police SWAT kay PSSg Karl Benzon Dela Cruz, natutulog siya sa ikalawang palapag ng kanyang bahay sa Pat Buntan Corner Judge A Roldan St., Brgy., San Roque nang magising siya dakong alas-4:00 ng madaling araw para magbanyo.
Habang papunta sa banyo ay napansin ng biktima na nakaawang ang pinto ng kanyang bahay at nang kanyang tingnan ay nadiskubre niya na sira na ang pinto at puwersahang binuksan.
Agad niyang tiningnan ang kanyang personal na mga gamit sa ground floor hanggang sa matuklasan niya na ang kandado ng kanyang cabinet ay sira na at puwersahang binuksan.
Nang tingnan niya ang kanyang mga gamit sa loob ng cabinet ay nadiskubre niya na wala na ang kanyang issued firearm na isang Beretta 9mm pistol na may serial number P63495Z, Php 30,000.00 at cellphone na nasa Php 6,000.00 ang halaga.
Ipinaalam niya ang pangyayari sa kanyang mga kapabaro na nagsasagawa na ng follow up operation para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)
-
Service Caravan ng BI sa Batangas, sinimulan
BIYAHENG Batangas ngayon ang Bureau of Immigration para sa kanilang fourth leg na nationwide caravan. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang Bagong Immigration Service Caravan ay gaganapin sa Batangas City. “Our goal is to bring our services closer to people,” ani Tansingco. “While many of our services are now […]
-
Hiyas ng Bulacan Cultural Center, ipinagdiwang ang gintong anibersaryo ng pagkakatatag
LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagdiwang ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng “HIYAS: Ang Kasaysayan” sa ginanap na Pagdiriwang ng Pambansang Buwan Ng Pamana 2022 sa Bulwagang Guillermo Tolentino at Tanghalang Nicanor Abelardo, Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa lungsod na ito noong Mayo […]
-
Non-essential travel muling sinuspinde
Muling sinuspinde ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management for Emerging Infectious Diseases ang non-essential travels o mga hindi importanteng biyahe palabas ng bansa. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang kumpanya lamang ang pumayag na magbigay ng travel at health insurance na isa sa mga requirements para makalabas ng bansa. Nais […]