• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAHAY SA NAVOTAS, NI-LOCKDOWN

ISINAILALIM ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas ang isang bahay sa lungsod matapos may 10 na miyembro ng pamilya ang nagpositive sa COVID-19, alinsunod sa IATF guidelines.

 

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang mga nakatira sa naturang bahay ay sinuotan na ng quarantine band para mabantayan na hindi sila lumabas ng bahay.

 

 

Inihalintulad ni Mayor Tiangco ang nangyaring ito noong ni-lockdown din ang isang lugar sa lungsod matapos magpositibo ang 14 katao na dumalo sa isang party, Mayo noong nakaraang taon.

 

 

“Ganito po nagsimula ang pagtaas ng ating mga kaso kaya lubusin po natin ang pag-iingat at pagsunod sa health protocols. Sa bahay na po ang hawaan ngayon, di na masyado sa opisina o lugar ng trabaho. Ito ay dahil mas kampante tayo sa bahay at pakiramdam natin wala namang sakit ang mga kasama natin” ani alkalde.

 

 

“Pero sa panahon ngayon na laganap na ang COVID-19, hindi na natin sigurado kung sino ang maysakit. Napakadaling mahawaan pero napakahirap o napakatagal magpagaling”, dagdag niya.

 

 

Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na bibigyan ng relief foods ang mga miyembro ng pamilya, gaya ng ginagawa sa mga lugar na isinailalim sa lockdown.

 

 

Patuloy ang paalala ni Tiangco sa lahat na mag-ingat at hinikayat niya na magpabakuna para protektado laban sa sakit at wag aniya sayangin ang sakripisyo ng lahat. (Richard Mesa)

Other News
  • 2 bagong tren ng PNR, aarangkada na

    SA mga susunod na araw ay maari ng masakyang ang dalawang bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR).   Inaasahan din na mabibigyang serbisyo sa mga libo-libong mga mananakay na mula sa Tutuban hanggang Alabang Station.   Ayon sa PNR, nakumpleto na ang mga bagong bagon ng tren na idineploy sa PNR depot ngayong araw […]

  • Procurement ng plastic cards para sa driver’s license, hinihintay na lamang ng LTO

    BINIGYANG diin ng Land Transportation Office na ang kakulangan sa supply ng mga plastic card na ginagamit para sa mga driver’s license ay maaaring napigilan.     Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, pinaalalahanan nila ang mga opisyal ng transportasyon tungkol sa pagkaantala sa pagbili ng mga plastic card.     Idinagdag niya na […]

  • DTI, mahigpit na imo-monitor ang presyo ng bigas sa gitna ng pagpapataw ng price caps

    MAHIGPIT na imo-monitor ng  Department of Trade and Industry (DTI) ang  retail prices ng bigas sa gitna ng  price ceilings para sa mga pangunahing pagkain sa buong bansa.     “We acknowledge the need to take immediate action on the rising prices of rice in the market. Relatedly, imposing strict monitoring of its price and […]