Bakuna muna bago laro- Nets kay Irving
- Published on October 15, 2021
- by @peoplesbalita
Hangga’t hindi nagpapabakuna si star guard Kyrie Irving laban sa coronavirus disease (COVID-19) ay hindi siya isasama ng Brooklyn Nets sa kanilang mga ensayo at laro para sa 2021-2022 NBA season.
“Kyrie’s made it clear that he has a choice in this matter and it’s ultimately going to be up to him what he decides,” sabi kahapon ni Nets general manager Sean Marks. “We respect the fact that he has a choice, he can make his own and right now what’s best for the organization is the path that we’re taking.”
Ayaw magpabakuna ni Irving dahil sa kanyang paniniwala na iginagalang ng Brooklyn team at nina coach Steve Nash, Kevin Durant at James Harden.
Ipinatutupad ng New York City ang COVID-19 vaccine mandate sa mga professional athletes na nag-eensayo at naglalaro sa kanilang siyudad.
Ang mga NBA players ay hindi required magpabakuna, ngunit sasailalim sila sa mas maraming testing at restrictions kapag sasama sila sa kanilang mga koponan.
Samantala, umiskor si Jordan Poole ng 18 points para igiya ang Golden State Warriors sa 111-99 paggupo sa Los Angeles Lakers at itala ang kanilang 4-0 record sa preseason. Dinaig naman ng Toronto Raptors (3-2) ang Washington Wizards (0-3) sa kanilang 113-108 panalo.
-
Ads July 30, 2021
-
Ads June 16, 2022
-
Watch Technician ginulpi ng rider
SA ospital ang bagsak ng 46-anyos na watch technician nang gulpihin ng isang rider na sinaway ng biktima dahil sa pagparada sa no-parking zone sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Duguan nang humingi ng tulong at itakbo sa ospital ng mga opisyal at tanod ng barangay si Elmer Sanchez, ng 684 Rizal Avenue Extension, […]