• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bakuna sa COVID-19 libre lang sa mahihirap

PINAKAMAHIHIRAP lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna sa COVID-19 at dapat magbayad ang mga may pera.

 

“Hindi po siya magiging libre sa lahat. Iyong pinakamahirap po ang mabibigyan ng libre. Pero gumagawa rin po tayo ng hakbang para iyong mga may-kaya naman po ay makakabili rin ‘no,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Pero sinigurado ni Roque na para sa lahat ang gagawing pag- angkat at hindi lang para sa mga mahihirap.

 

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon na ng bakuna laban sa CO-VID-19 sa Abril 2021 base sa pagtaya ni Health Secretary Francisco Duque.

 

Ayon sa Pangulo, nakausap din niya si Russian Ambassador Igor Khovaev kung saan nag-sabing malapit nang lumabas ang kanilang bakuna.

 

Nais din aniya ng Russia na magtayo ng planta ng pharmaceutical sa Pilipinas.

 

Sabi pa ng Pangulo, wala siyang pakialam kung gawang Russia, China o Amerika ang bakuna basta’t ang mahalaga ay magkaroon ng bakuna.

 

Sinabi rin ng Pangulo na nakahanap na siya ng pera para sa pagbili ng bakuna sa 20 milyong mahihirap na Filipino.

Other News
  • Ads April 1, 2021

  • 4 subway pa sa NCR, Cavite pinaplantsa ng Pinas, Japan

    PINAPLANTSA  na ng Department of Transportation (DOTr) at Japan International Cooperation Agency (JICA) na magtayo pa ng dagdag na 3 hanggang apat na subway sa Metro Manila na mag-uugnay sa Cavite.     Ayon kay DOTr Secretary Jaime  Bautista, pinaplano ng magkabilang panig ang paglalagay ng dagdag na subway sa Metro Manila para maibsan ang […]

  • 1K trabaho, alok ng BuCor

    KASABAY ng ika-117 anibersaryo ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Lunes, magsasagawa rin ng job fair para sa 1,000 bakanteng puwesto.     Sinabi ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr., na may 1,000 bakanteng trabaho ang nakahanda na sa bureau para sa ‘new blood’ sa organisasyon na magsisilbing ‘nucleus’ ng ahensiya.     Inaanyayahan ang […]