• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baldwin hindi pa rin tatanggalin sa Gilas Pilipinas – SBP

Mananatili pa ring project director ng Gilas Pilipinas si Tab Baldwin.

 

Kasunod ito ng kinaharap nitong kontrobersya sa negatibong komento sa mga local coaches at PBA noong nakaraang buwan.

 

Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios na naging malinis na ang pangalan ni Baldwin sa ginawa nito.

 

Magkakaroon lamang ng pagbabago ng desisyon kung magsalita muli ito ng hindi maganda sa PBA.

 

Plano ngayon din ni SBP president Al Panlilio na magsagawa ng set up ng video conference kay Baldwin at ibang mga opisyal ng SBP para pag-usapan ang ibang programa ng Gilas.

 

Magugunitang minultahan na ng P75,000 si Baldwin at sinuspendi ng tatlong laro bilang assistant coach ng TNT Katropa dahil sa negatibong komento nito sa PBA.

Other News
  • Paggamit ng e-cigar/vapes sa pampublikong lugar, bawal na rin – EO 106

    INILABAS kahapon, Pebrero 28 ng Malacañang ang isang Executive Order (EO) na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarettes (e-cigar) o vapes at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products.   Ang Executive Order 106 ay nag-aamyenda sa nauna ng EO 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga […]

  • Ads October 6, 2023

  • De la Hoya inalok ng $100-M si Mayweather para sila ay mag-rematch

    Handang patulan ni US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr ang hamon ni Oscar De la Hoya na sila ay magharap muli.     Ito ay matapos na makapanayam ang Mexican boxing champion at sinabing handa itong magbigay ng $100 milyon para sa harapan muli.     Taong 2017 ng tuluyan ng magretiro si Mayweather […]