• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik ECQ ang NCR simula Aug.6 hanggang Aug.20 – IATF

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) simula August 6 hanggang 20, 2021.

 

 

Ito ay dahil pa rin sa banta ng COVID -19 delta variant na nakapasok na sa bansa at naitala na ng Department of Health (DOH) ang ilang kaso nito.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa ilalim ng ECQ bawal ang indoor dine-in services at al fresco dining pero papayagan naman ang take-out at delivery services. .

 

 

Pinapayagan ding makapag-operate ng hanggang 30 percent ang personal care services gaya ng beauty salons, beauty parlors, barber shops at nail spas.

 

 

Sarado muna ang mga indoor sports courts at venues pati na ang indoor tourist attractions at specialized markets na una nang inaprubahan ng Department of Tourism (DOT).

 

 

Pinapayagan naman na makapag-operate ng hanggang 30 percent ang outdoor tourist attractions na inaprubahan ng DOT.

 

 

Ayon kay Sec. Roque, tanging ang mga Authorized Persons Outside their Residences (APOR) ang pinapayagang bumiyahe sa loob at labas ng NCR Plus Area o ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal.

 

 

Tanging ang virtual religious gatherings ang pinapayagan.

 

 

Pinapayagan din ang necrological services, wakes, inurnment at funerals ng mga nasawi dahil sa COVID-19 pero limitado lamang sa mga miyembro ng pamilya.

 

 

Samantala, mananatili sa ECQ ang Gingoog City, Iloilo City, Iloilo Province, at Cagayan de Oro City mula August 1 hanggang 7, 2021.

 

 

Isasailalim naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Cebu City at Cebu Province, Ilocos Norte, Bataan, Mandaue City at Lapu-Lapu City simula August 1 hanggang 15, 2021.

 

 

Isasailalim sa GCQ with heightened restrictions simula August 1 hanggang 15, 2021 ang Ilocos Sur, Cagayan, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Lucena City, Naga City, Antique, Aklan, Bacolod City, Capiz Negros Oriental, Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro at Butuan City.

 

 

Nasa GCQ simula August 1 hanggang 31, 2021 ang Baguio City, Apayao, Santiago City, Quirino, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Puerto Princesa, Guimaras, Negros Occidental, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands at Cotabato City.

 

 

Inihayag ni Sec. Roque, ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) classification simula August 1 hanggang 31, 2021. (Daris Jose)

Other News
  • Manang-mana sa husay ng ama na si Richard: JULIANA, muling nakasungkit ng gold medal sa ‘West Java Fencing Challenge 2022’

    HINDI mamumunga ng bayabas ang santol, kaya hindi katakataka kung si Juliana Gomez ay mahusay sa sports na fencing dahil ang ama niyang aktor at Leyte 4th District Congressman na si Richard Gomez (na kilala rin sa bansag na Goma) ay gumawa ng sarili nitong pangalan sa kaparehong sports event noong kabataan niya.     […]

  • Official poster ng ‘Rewind’, punum-puno ng elemento: MARIAN, gustong i-rewind ang bawat moment na kasama si DINGDONG

    NI-REVEAL na ang official poster ng “Rewind”, ang reunion movie nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.     Mula ito sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar, at isa sa ten entries sa 2023 Metro Manila Film Festival. Ang “Rewind” ay collaboration ng Star Cinema, APT Entertainment, at Agosto Dos Media. […]

  • Bagong taxiway, CAAP building sa MCIA nagkaraon ng inagurasyon

    Nagkaron ng inagurasyon ang bagong pinalaki at pinalawak na taxiway at building ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) na nasa Lapu-lapu City noong nakaraang April 5, 2021.     Ang nasabing inagurasyon ay isang hudyat na ang pamahalaan ay sinusulong ang pagkakaron ng growth at development sa Visayas […]